^

PSN Opinyon

Helicopter, bangka, baril

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LABINDALAWANG matatas na opisyal ng PNP ang inirekomenda ng Ombudsman na kasuhan ng Sandigan­bayan kaugnay sa maanomalyang pagbigay ng lisensya ng AK-47 assault rifles sa ilang mga kompanya. Pinalusot ang mga lisensiya sa mga high-powered na baril na ito kahit kulang-kulang umano ang mga dokumento. Mabilisan ding inilabas ang mga baril kahit kulang din ang mga dokumento. Mga 1,000 AK-47 ang nailabas. Mga security agency at mining company ang bumili ng mga baril.

Ang masama pa, may ilang mga AK-47 na ito ang napunta sa matagal nang kalaban ng bansa, ang New People’s Army (NPA). Kaya tuloy lumalabas na natulungan pa ang mga rebelde ng transaksyong ito. Kailangan malaman kung paano umabot sa kamay ng NPA ang mga baril, maliban na lang kung sila talaga ang namili­ ng mga baril na inasikaso lang ng mga kinakasuhan ngayon. Kung ganun nga ang intensiyon, mas malala pa ang kasalanan sa bansa, kataksilan. Sa ibang bansa, ang kaparusahan ng kataksilan ay kamatayan.

Labingwalong opisyal din ng PNP ang pinasibak ng Ombudsman kaugnay naman sa maanomalyang pagbili ng mga motorboats noong 2010. Maayos daw ang mga bangka na binili, pero nang siyasating mabuti ay puro may mga diperensiya. Wala ring public bidding naganap, at pina­boran pa ang isang kompanya na wala naman tala­­gang kakayanang pinansyal na pasukan ang transaksyon. Hindi­ ba ganundin ang kuwento ng mga helicopter na binili ng PNP? Bago raw pero nalaman na segunda mano? 

Anomalya sa helicopter, bangka, baril. Malungkot at may mga ganitong balita tayong natatanggap hinggil sa PNP. Sino pa ba ang lalapitan ng mamamayan kapag kailangan ng tulong mula sa mga kriminal? Ginagawa ng PNP ang lahat para maibalik ang tiwala ng mamamayan at linisin ang kanilang imahe. Napakahirap gawin ito kung mga matataas na opisyal ang nasasangkot sa mga ganitong anomalya. Lumalabas na malaking impluwensiya at kapangyarihan ang hawak ng mga matataas na opisyal sa PNP, kung kaya nilang palusutin ang mga ganitong ano­malya. Hindi kaya dapat ibang ahensiya na ang humahawak kapag may kailangan ang PNP? Ahensiya na walang koneksyon sa PNP. Baka pribadong ahensiya pa nga ang kailangan. Para maprotektahan na rin ang PNP mula sa mga anomalya. Para ang layunin na lang ay manilbihan at magbigay ng proteksyon, at hindi maging negosyante.

ACIRC

AHENSIYA

ANG

ANOMALYA

BARIL

GINAGAWA

KAILANGAN

MGA

NEW PEOPLE

PNP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with