Sipag ni Sy
MUKHANG may ibig ipakahulugan ang kasipagan na ipinapakita ni Chief Inspector Wilfredo Sy ng MPD. Si Sy ay naitalaga noong Sept. 1, 2015 sa Manila Police District- Criminal Investigation and Detection Group. Bago pa man ito mapabilang sa hanay ng MPD naging hepe si Sy ng may 27 buwan sa Quezon City Police District-CIDG na tiningala sa kanyang kabaro. Halos hindi mabilang ang kanyang accomplishment na naiambag sa kapulisan ng QCPD. Ngunit ng maipuwesto ito sa MPD-CIDG ay ni-isang bataan ay walang bitbit kung kaya ang tanging baon niya ay ang kanyang “bayag”. Hehehe! Subalit hindi matawaran ang kanyang kasipagan at katapangan dahil sa mahigit niyang isang buwan na panunungkulan sangkaterba na ang kanyang naipakitang accomplishment na di nagawa ng ibang mga hepe ng MPD-CIDG. Paano kasi ang inuna ng mga nagdaang hepe ng MPD-CIDG ay ang kanilang bulsa sa pagkolekta ng datung sa mga Illegal Bookies ng Horse Racing, Looteng, Ending at Video Karera Machine kung kaya’t namayagpag ang mga kriminal sa kalye. Ngunit ngayon tila nagbago na ang takbo ng MPD-CIDG dahil unti-unti nang nagkakalaman ng mga kriminal ang kinakalawang na selda sa headquarter’s. Narito ang proweba mga suki, Noong Oct. 2, nahuli ang isang Most wanted Person ng Malate Police Station (PS-9) na nakilalang si Jhemark Olano, alias “Mark” miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang sa Medang street., Malate, Manila. Oct. 6, nahuli si Michael Gildore, Sigue-Sigue Sputnik ng Quezon Boulevard, Quiapo ng makasagap ng impormasyon si Maj. Sy na manghuhuldap ng isang establishment ang grupo ni Gildore sa may Honorio Lopez Blvd, Tondo kung kaya naunahan nila ito. Mukhang malawak ang mga espiya ni Sy, di ba mga suki! Oct. 7, inaresto ang isang Joey Suson, alias “ Lupin” Batang City Jail Gang sa bisa na Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Marlo Magdoza-Malagar, No Bail Recommended. At nito ngang Oct. 13 nahuli ang 4 ka-tao na responsible sa pagpapakalat ng mga pekeng P500 bills, Fakeng LTO Documents kabilang ang mga Official Receipt (OR) at Driver’s License. Maging ang matagal ng kumakalat na mga Fake Firearms License at FED ay kabilang din sa natuklasan kung kayat ang apat na mga “Gold Fingers” na kinilalang sina BM Hinguillo, Leonora Boyles, Markjhon Payas at John Ryan de Guzman ay himas rehas na ngayon sa CIDG- National Capital Region Criminal Investigation and detection Unit headquarters. Ilan lamang iyan sa mga nasagap kung trabaho ni Sy na sinaluduhan. Mukhang nagkaroon na ng kasagutan itong panalangin ng mga Manilenos sa katauhan ni Sy dahil kahit na paunti-unti nababawasan ang bagwis ng mga kriminal sa kalye. Subalit hindi tayo titigil sa pagsubaybay sa ipinakikitang gilas ni Sy dahil malaki ang aking paniniwal na maraming pulis sa MPD ang sangkot sa pagpapakalat ng droga at iyan ang ating pagkakatutukan. Kayang-kayang suwagin ni Sy ang mga sugalan, putahan at mga video karera/Fruit Machines na ang mga patong ay mga pulis mismo ng MPD. Abangan!
- Latest