^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kahit sino puwedeng mag-file ng CoC

Pilipino Star Ngayon

DAPAT magkaroon na ng pagbabago sa nakaugalian nang pagpa-file ng certificate of candidacy (CoC). Alisin na ‘yung kahit sino ay puwedeng mag-file ng kandidatura. Dahil sa patakarang ito, maraming nagtutungo sa Comelec offices para mag-file ng kandidatura. Maski sino kahit ang mapadaan lang sa Comelec siguro ay maaaring mag-file ng CoC. At dagdag trabaho ito para sa mga taga-Comelec at gastos din dahil sa form na pipirmahan ng mga nais tumakbo. Sa halip na ibang trabaho ang harapin ng Comelec, ang pag-asikaso sa mga magpa-file na wala namang hangarin kundi magpatawa at mang-agaw ng eksena ang hinaharap. Iisipin tuloy ng iba, nakikipaglokohan ang Comelec.
Ang Comelec ang may kapangyarihan para matigil na ang pagpapa-file ng CoC ng mga wala naman talagang hangad tumakbo. Sila mismo ang magbawal na hindi na papatulan ang mga ‘‘panggulo’’. Sa Comelec na rin nanggaling na gawing solemn o sagrado ang pagpa-file ng CoC. Pero hindi ito nangyayari dahil nga maluwag ang Comelec at kahit sino ay puwedeng mag-file ng CoC.

Gaya nang nangyaring paghahain ng CoCs para sa pagka-presidente na nagsimula noong Lunes. Maaaring maitala sa Guinness Records ang nangyayari sa bansa na mahigit 30 ang naghain ng CoCs para sa pagka-presidente. At hindi lahat ng mga nag-file ay seryoso. May nag-file ng CoC na ang gustong ilagay na pangalan ay “Lucifer”. Mayroong nag-file dahil inutusan daw siya ng Diyos. Mayroon ding nagsabi na kapag siya ay naging presidente, lalabanan niya ang mga anti-Christ.

Pasanin ng Comelec ang ganitong senaryo tuwing sasapit ang election kaya sila na ang gumawa ng paraan kung paano ito matitigil. Kakainin lamang ng mga “panggulo” ang kanilang oras. Sawatain na ang mga hindi seryoso at lumalapastangan sa kasagraduhan ng pagpa-file ng CoC. Huwag itong gawing katatawanan, sa totoo lang.

vuukle comment

ACIRC

ALISIN

ANG

ANG COMELEC

COC

COMELEC

DAHIL

FILE

GUINNESS RECORDS

MGA

SA COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with