Iresponsableng kontraktor
DAPAT higpitan ng DPWH at MMDA ang mga pribadong kontraktor na nagkukumpuni o naghuhukay ng mga kalye dahil iresponsable na ang mga ito. Iniiwan nilang nakatiwangwang ang mga kalyeng hinukay na nagdaragdag sa pagbigat ng trapik sa Metro Manila.
Bakit naging iresponsable ang mga kontraktor? Hindi ba sila natatakot? Dahil ba malakas sila sa mga demigod ng DPWH?
Bakit sila malakas? Dahil ba sa mayroon silang “cashsunduan” kaya ay naging best friends forever (BFF)?
Dahil kung walang ipinagmamalaki ang mga kontraktor na ito, hindi sila magiging pabaya sa kanilang tungkulin.
Kung ang DPWH ay iresponsable at ayaw pasunurin ang mga iresponsableng kontraktor, dapat itong siyasatin. Kapag napatunayan na buhay na buhay pa rin ang graft and corruption sa DPWH, kasuhan, tanggalin at ikulong ang mga corrupt na opisyal.
Isa sa mga dahilan kung bakit naging worst ang trapik sa Metro Manila ngayon ay dahil sa pamamayani ng corruption sa gobyerno.
Hindi lamang ang pribadong sektor ang iresponsable kundi pati na ang mga opisyal ng gobyerno. Kaya namamayani ang imoralidad ay dahil kinukunsinti ang mga opisyal ng gobyerno na nasisikmurang pakainin ang kanilang pamilya mula sa maruming paraan.
Kapag ang gobyerno ay ayaw durugin ang graft and corruption, patuloy na mamamayani ang abnormalidad sa lipunan, katulad ng worst traffic.
Magkaroon naman sana ng political will ang Malacañang na durugin ang masama dahil bahagi ito ng inyong tungkulin.
- Latest