^

PSN Opinyon

Dapat aksyunan kaagad ng DOTC

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LUMALABAS na ang  mga biktima ng tinata-wag na “tanim-bala scam” sa NAIA. Unang naulat ang dalawang biktima ngayong taon ng nasabing scam ng ilang security personnel ng NAIA. Mga nahulihan daw na nagpapasok o naglalabas ng isa o dalawang pirasong balang kalibre 22. Sinong hindi maniniwala na scam ito? Napaka-obvious na paraan ito para mangikil sa mga pasaherong kararating lang o paalis na ng bansa. At dahil nasa airport pa lang, gusto ng biktima na maareglo na lang kaagad kaysa maaberya pa nang matagal.

Napakahirap paniwalaan na may magtatangkang magdala ng bala ng kal. 22 sa Amerika kung saan napakamura ng bala. Ang bala ng kal. 22 ay mabibili sa Amerika na ang katumbas dito sa bansa ay P3 hanggang P8 kada bala, depende sa tatak. At kapag mamili ang mga Amerikano ng bala, hindi tingi kundi kahon-kahon kaya may bawas sa presyo. Pwede pa itong ma-order online kung may lisensya, hindi na kailangang magtungo sa tindahan. Kaya ano pala ang benepisyo ng pasahero na nahulihan daw ng dalawang pirasong bala? Wala. Napaka-impraktikal naman para sa Amerikano na nahulihan umano ng isang pirasong bala. Ano ang gagawin niya sa bala? Ibebenta niya? Isang pirasong bala? May lokal na bala rito ng kal. 22 na hindi naman ganun ka mahal. Magpapasok siya ng isang piraso? Kalokohan! At bakit kal. 22  ang laging “nahahanap” ng mga security sa NAIA? Kasi maliit, madaling ilaglag lang sa mga bulsa at singit ng mga bagahe kapag may pagkakataon na.

Dapat aksyunan ng DOTC ang isyung ito. Dapat may mga patakaran na magbibigay rin ng protesyon sa mga pasahero mula sa mga security personnel na may masamang balak. Dapat bago magtungo sa kani-kanilang istasyon ang mga security personnel, idaan sila sa metal detector, ipatanggal ng sapatos at sinturon at kapkapan. Kung nasa trabaho naman sila, wala silang kailangang dalhin na personal kagamitan tulad ng mga susi o barya. Puwedeng iwan na lang ito sa mga locker.

Kapag may nakitang kaduda-dudang bagay naman sa X-ray, ipakita na muna sa may-ari ng bagahe ang monitor at ituro ang bagay para siguradong alam ng pasahero na nasa loob ng kanyang bagahe, at hindi itatanim na lang ng kawatan kapag nabuksan na. Dalhin ang bagahe at pasahero sa isang silid at doon buksan kaharap ang mataas na opisyal na sana ay hindi rin kasabwat sa scam. Dapat may CCTV para makuha lahat ng gagawin. Proteksyon ito para sa pasahero at security na sa ngayon ay wala nang tiwala ang tao. Kung may mga nabiktima pa ng ganitong pangingikil, ngayon ang panahon para lumantad. Magpapasko pa naman kaya siguradong aktibo na ang mga kawatan diyan.

AMERIKA

AMERIKANO

ANG

ANO

BALA

DALHIN

DAPAT

HINDI

IBEBENTA

MGA

NAPAKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with