Target!
NAGING diversionary tactic lang ang initial na balitang dinala sa mountain ranges ng Davao Oriental at Compostela Valley ang tatlong dayuhan at isang Pinay na kinidnap noong Lunes ng gabi sa Holiday Ocean View marina sa Bgy. Camudmud, Island Garden City of Samal ng 11 di-kilalang armadong lalaki.
Napakalapit nga lang ng Davao Oriental at Compostela Valley upang pagtaguan ng mga bihag. At isa pa, hindi madaling maitago ang mga biktima dahil hindi masyadong malakas ang ground support na silang tutulong sa pagtago ng mga biktima at ng kanilang abductors sa mga tumutugis na otoridad.
Ayon kay Mayor Rodrigo Duterte at maging sa mga reliable sources sa intelligence community agad-agad dinala ang hostages sa coastal area ng Glan, Sarangani Province pagkatapos silang sapilitang kinuha noong Lunes ng gabi.
At pagkatapos ay ipinasa raw sa ibang grupo na sila na ring nagdala patungong Pagadian City bago tumuloy ng Sulu.
Sadyang may mga kapansin-pansin sa naganap na kidnapping sa mga dayuhang sina John Ridsdel at Robert Hall ng Canada, si Kjartan Sekkingstad na isang Norwegian at maging sa Pinay na si Maritess Flor.
Ayon sa investigators lumalabas na target ng mga suspect ang dalawang Canadians dahil sila lang talaga ang pinuntirya sa dinami-daming yate na nakadaong sa nasabing Holiday Ocean View Marina.
Ang mga yate na nakadaong sa Holiday Ocean View Marina ay pagmamay-ari ng mga mayayamang dayuhan na mas piniling gumugol nang maraming oras sa karagatan sa loob ng kanilang mga yate bilang cruisers.
Ayon din sa mga imbestigador ang mga suspect ay talagang pinuntahan ang mga magkatabing yate nina Hall at Ridsdel na di-umano ay mining executives.
Ibig sabihin, kilala ng mga suspect sina Hall at Ridsdell at alam din kung saan talaga naka-dock ang kanilang mga yate. Kasi kung hindi sila kilala ay gugugol pa yon ng mas mahabang panahon sa paghahanap sa kanila sa mga nakaparadang mga yate sa Holiday Ocean View Marina nang gabing iyon.
Mas lumalalim ang kuwento nito ngayon.
At may mga katanungan din kung bakit hindi agad nasundan ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at maging ng Martime Police and motorized outriggers na ginamit ng mga suspect sa pagkidnap sa mga biktima gayong ang kampo ng Armed Forces Eastern Mindanao Command (Eastmincom) ay located sa Camp Panacan dito sa Davao City nakatapat lang ng Holiday Ocean View Marina sa Samal Island.
Di nga umabot ng limang minuto kung speed boat ang gagamitin sa pagtawid galing sa Eastmincom camp patungo sa Holidat Ocean View Marina.
Tiyak tulog siguro ‘yong mga taga-Eastmincom.
- Latest