^

PSN Opinyon

Tanim-bala sa NAIA

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAANO maitataguyod ang turismo sa bansa, kung sa airport pa lang ay nalalagay na sa peligro ang mga dayuhan at balikbayan? Dalawang biktima ng tinatawag na “tanim-bala scam” ng ilang security personel ang nagsalita na sa internet at sa media para ipaalam ang nangyari sa kanila. Ang isa ay balikbayan na paalis na sana ng Ame­rika. Nang idaan sa x-ray ang kanyang bagahe, sinabihan siya na may kakaibang bagay sa loob ng kanyang maleta. Nang pinabuksan, may “nakitang” dalawang pirasong kalibre 22 na bala. Sinabihan siya na para matapos na lang, bigyan na lang daw ng P500 ang mga security. Hindi na nag-isip at binigay ang pera dahil tila tinakot na siya at kinuha pa ang kanyang passport.

Pero bago pa ang insidenteng ito, may isang Amerikanong misyonaryo na paalis na sana ng Coron, Palawan na ganundin ang sinapit. Nang idaan sa x-ray, may nakita raw na kailangang imbestigahan. Isang bala ng kalibre 22 din ang “nakita”. Hiningan siya ng P30,000 para mapalaya, pero nagmatigas ang Amerikano, kaya kinulong siya ng limang araw bago nakapagpiyansa ang kanyang mga kasamahan.

Sa kwento pa lang alam na scam ito. Sino ang magla­lagay ng kanilang buhay sa napakatinding peligro, para lamang sa isa o dalawang piraso ng bala? Alam ba ng mga kawatang ito kung gaano kamura ang bala ng kalibre 22 sa Amerika? At para naman sa Amerikanong biktima, isang bala lang ang ipapasok? Kaya maliit na bala rin ang pinili ng mga kawatan ay dahil madaling itago sa palad ng kamay. Habang hinahalukay ang maleta, dito na itinatanim ang “ebidensiya”. Nataon din na mga balikbayan o dayuhan ang biktima, at hindi mga lokal na mamamayan na puwedeng labanan nang husto ang insidente.

Tama lang na suspindihin ang mga security personel na sangkot umano sa bagong estilo ng pangingikil na ito. Nakakahiya. Ang dapat siguro, para mawala ang pangamba ng lahat ng pasahero, tanggalin na lahat ng security per­sonel at palitan, pati ang hepe nito. Para ipakita ng NAIA sa lahat na hindi nila papayagang lumaganap pa ang scam na ito. Kung hindi naman papalitan ang mga security personel, dapat may CCTV o media na rin na nagbabantay sa mga nag-iinspeksyon ng bagahe. Buksan ang mga bagahe sa harap ng mga may-ari at hindi habang naka­talikod tulad ng ginawa sa dalawang biktima. Kunan ng video at bantayan ang mga kamay nitong mga nag-iinspeksyon. Kapag kumalat ang insidenteng ito, at siguradong mangyayari iyan sa internet, masama na naman ang imahe ng mga airport natin.

vuukle comment

ACIRC

ALAM

AMERIKA

AMERIKANO

AMERIKANONG

ANG

BALA

BUKSAN

MGA

NANG

PARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with