Unahin ang mga Pilipino sa mga lokal na trabaho
IGINIIT ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada na dapat i-prioritize ang mga Pilipino kaysa sa mga dayuhan sa mga available na trabaho sa bansa.
Ito ay sa harap ng patuloy na paglobo ng mga kababayang walang hanapbuhay, habang libo namang dayuhan ang nakakukuha nang maraming available na trabaho sa bansa.
Base sa statistics, umaabot sa 14,481 dayuhan ang inisyuhan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ng Alien Employment Permits (AEP) noong 2013. Umabot pa nga umano ito sa napakataas na 20,911 noong 2012.
Matatandaang inihayag din ng ahensiya na maraming ‘in-demand but hard-to-fill jobs’ tulad ng para sa chemist, chemical engineer, fisheries technologist, computer numerical control machinist, pilot at aircraft mechanic ang ibubukas sa mga dayuhan dahil sa kakulangan ng aplikanteng Pilipino.
Kaugnay nito, isinusulong ni Jinggoy ang Senate Bill 2760 (Enhancing the regulation on employment of foreign nationals, and transfer of technology). Ito ay kabilang sa priority legislative measures ng DoLE.
Aniya, “Ang Pilipino manpower ay dapat laging i-prioritize sa mga trabahong available sa bansa. Papayagan lang ang mga dayuhan sa mga trabahong walang nag-a-apply o walang makuhang capable and available Pilipino workers. Gayunman, sa mga trabahong ito ay kailangang tiyakin na makapagsasagawa ang foreign workers ng transfer of technology sa mga Pilipinong makakasama nila sa trabaho bilang understudies. Sa ganitong paraan, darating ang panahon na eventually ay magiging kayang-kaya na ng ating mga kababayan ang naturang mga trabaho”
Ito ang ilan sa itinatakda ng panukala:
A.) All non-resident foreign nationals seeking employment in the Philippines shall obtain an employment permit from the DoLE, to be issued subject to the Labor Market Test determining the non-availability of qualified and willing Filipino national. The DoLE may grant exemptions from the Labor Market Test to foreign nationals as provided under existing laws and agreements, as well as in industries or occupations or practice of professions where there is short supply.
B.) Foreign nationals issued employment permits shall transfer technology to Filipino understudies within a prescribed period.
- Latest