^

PSN Opinyon

Sa taga-Customs: H’wag magsalita ng di-maganda sa OFWs

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

SA isang news report sa TV, sinabi ni Belinda Copioso, Assistant Chief ng Arrival Operations, Bureau of Customs NAIA, “Kahit isang piraso lang siya, like imported bags, kahit sabihin pa niyang OFW siya, kahit balikbayan siya, if he bought something abroad and went to the Philippines, and bringing something that is really taxable, they have to be taxed!”

Ito ay matapos lumabas sa news report na may isang bakasiyonista galing sa Amerika na nakita sa x-ray na may dalang mahigit 100 na wrist watch at 30 perfume sa kanyang balikbayan box.

Mawalang galang na po Madam Assistance Customs Chief Copioso, liwanagin natin na ang nahuli ninyo sa airport ay isang turista na 10 araw nagbakasyon sa Amerika at hindi OFW. Ano naman ang pakialam ng OFW diyan para pagsalitaan ninyo sila sa tonong may kayabangan at wala sa lugar.

At kahit OFW pa yan, ang utos po ni President Aquino ay maari lamang buksan ang balikbayan box kung nakita sa x-ray na may kahina-hinalang mga kontrabando o di kaya, naamoy ng K9 na may ipinagbabawal na droga. Ganun pa man, ‘yan ay hindi dapat buksan basta-basta na walang testigo na representante mula sa OWWA o sa isang asosasyon ng OFW. Hindi po yan automatic na maaring buksan at yan ay dapat din na gawin sa harap ng CCTV para hindi maabuso o manakaw ang laman ng mga box at para na rin ma-record ang asal ng mga Customs examiner at pakikitungo sa mga Bagong Bayani ng bansa.

Kung iilang piraso lang yan at obvious naman na pang personal na gamit o pang pasalubong ng OFW sa kanyang pamilya, huwag n’yo na pong pag-initan. Ang maliwanag na kasunduan ay kung hindi yan hihigit pa sa P150,000 ay hindi na yan kailangang patawan ng tax. Habang isinasaayos pa ang batas, huwag na sana kayong magsalita ng hindi maganda laban sa mga OFW lalo na at kayo ay naturingang isang public servant. Wala kayong karapatan pagsalitaan ang mga OFWs ng masama dahil ang mga OFW natin ay ating tinuturing na mga Bagong Bayani na nagtataguyod sa ekonomiya ng ating bansa. Kung hindi dahil sa kanila, hindi lamang “Sick man of Asia” ang turing sa Pilipinas kung hindi ay “Dead man of Asia” na, at baka pati kayo ay hindi na maswelduhan at mawalan pa ng trabaho.

Ako ay gagawa ng isang pormal na sulat kay Commissioner Alberto Lina upang ireklamo ang mga kagaya n’yong arogante at ignorante na alagad ng Customs. Irereklamo ko kayo ng pormal dahil sa mga iresponsableng salita na binitawan n’yo laban sa mga OFW. Ihihiling ko rin kay Commissioner Lina na ang lahat ng supervisor at assistant supervisor ng Customs ay ipatawag sa kanyang opisina para mapaalalahanan kung papaano dapat makitungo sa mga Bagong Bayani ng bansa at paintindihin sa kanila kung ano ang kautusan ng Presidente kaugnay sa balikbayan box.

ACIRC

AMERIKA

ANG

BAGONG BAYANI

COMMISSIONER ALBERTO LINA

COMMISSIONER LINA

HINDI

KUNG

MADAM ASSISTANCE CUSTOMS CHIEF COPIOSO

MGA

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with