^

PSN Opinyon

Grace wagi sa Round 1

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PINAHANGA ako ni Sen. Grace Poe sa pagharap niya sa Senate Electoral Tribunal (SET) upang sagutin ang isinampang kaso sa kanyang pagkamamamayan.  Although dapat naman talagang humarap ang isang inaakusahan sa forum na pinagsampahan ng kaso, matatawag nating ito’y tanda ng kanyang mahusay na karakter. Kasi, may iba diyan na inaakusahan pero ang linya ay lagi ay “politically motivated yan.” Hindi sumasagot ng klaro.

Sabi nga ni Sen. Chiz Escudero, “tapat, tunay, at palaban. That’s what’s our people expect from our leaders, and that’s what Sen. Grace Poe displayed by going to the Senate Electoral Tribunal (SET).” Si Chiz ang sinasabing vice presidential running mate ni Poe.

Madaling sabihing ang mga paratang ay politically motivated pero iba ang dating kung ang naakusahan ay haharap upang sagutin ang mga akusasyon punto-por-punto may basehan man o wala ang alegasyon. Inaakusahan si Poe na kulang ang residency requirement at hindi kuwa­lipika-dong kumandidato sa pagka-senador noong 2013.

Kaduda-duda nga naman na ang isyu na nagsimula noon pang 2013 ay ngayon lamang inilulutang habang papalapit ang presidential polls. Wika nga ni Escudero, halatang ito’y walang basehan at politically motivated porke malakas ang dating ni Poe, bagama’t baguhan sa politika, batay sa mga surveys.

Ani Escudero, pinalulutang ang isyu dahil kumbinsido ang mga kalaban sa politika na si Poe ang pinakamalakas na kandidato sa 2016 para sa Pangulo. Korek, kaya dapat bigyan ng kredito si Poe sa pagharap mismo sa SET nang buong tapang.

Ani Escudero, “instead of hiding behind the default defense of ‘pulitika lang yan’

Sen. Grace has chosen to meet her accusers and the allegations head on, confident that the truth, the law, and the people are on her side.”

“Pinapatunayan lang nya (Poe) na pag wala kang tinatago, wala kang dapat

kinakatakutan (If you have nothing to hide, you have nothing to fear).  So, wagi si Poe sa unang round ng pagdinig sa alegasyon ni Rizalito David dahil pinawalang-saysay ng SET ang  residency issue laban sa Senadora.

Ang nalalabing isyu na lang ay, natural-born Filipino citizen nga ba si Poe,  na sa tingin ko ay mas madaling madaling patunayan ng Senadora na wala namang kaduda-dudang tunay na Pilipino.

Ang maganda pang sinabi ni Poe ay “Humaharap ako sa set dahil sa ako’y kakandidato kundi ibig kong idepensa ang aking sarili.” Iyan ang tinatawag na strong character.

ACIRC

ANG

ANI ESCUDERO

CHIZ ESCUDERO

GRACE POE

HUMAHARAP

POE

RIZALITO DAVID

SENADORA

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SI CHIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with