Gobierno paralisado sa malakas na ulan
Bakit, anong nangyari?
Sagot - dahil sa malakas na ulan bumaha sa Metro - Manila yesterday, malalim ito, stranded ang madlang people, nakakaawa, walang pinatawad, lahat basang - basa, nanginginig sa lamig, naglakad, ginutom at napagod, grabe ang nilikhang trapik kaya may mga students at mga empleado ng opisina today ang hindi siguro pumasok dahil sa pagod at antok na naranasan nila.
Ika nga, inumaga ang mga pobreng alindahaw!
‘Baka ang iba sa kanila ay magkasakit pa?’
Sagot - huwag naman sana!
Kambiyo issue, sa NAIA Terminal 4, nabaha ang rampa hanggang tuhod ang tubig kaya ang dalawang domestic aircraft ay stand still.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bumuhos ang malakas na ulan dakong alas-5 ng hapon kahapon kaya lang patigil-tigil ito pero dakong alas-8pm ay nagbagsak ang langit ng grabeng tubig ulan tumagal ito kaya naman lumalim ang baha sa iba’t-ibang lugar ng Metro - Manila partikular sa mga mabababang places.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, humahataw ang balita sa radyo at telebisyon tungkol sa mga nangyayari sa kalsada kagabi at kaninang madaling araw ang madlang people ay naghihintay ng tulong kaya naman sa awa ng Maykapal walang dumating na tulong para sa kanila.
Naku po!
Ano ba iyan?
‘Hindi naisip ng mga bright sa gobierno na magpalabas man lamang ng mga sasakyan iyong mga 6x6 trucks ng AFP, PNP, MMDA buses, DPWH at LGU’s para matulungan ang madlang people sa kalye.’ sabi ng kuwagong inamag.
Tanong - ano ang nangyari sa madlang people sa kalye?
Sagot - ayon dilat ang mga mata nila at naggagalaiti sa galit sa gobierno dahil sa kapalpakan!
‘Ano kaya ngayon ang mangyayari?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Sagot - sa balota sa 2016 na lamang bumawi!
Abangan.
Dengue fever
PINAG-IINGAT ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang madlang people tungkol sa nakakatakot at nakakamatay na sakit na denggoy este mali ‘dengue’ pala kaya dapat maging malinis hindi lang ang madlang pinoy kundi pati na rin sa loob ng kanilang haybol at kapaligiran.
Ika nga, huwag maging baboy!
Tanong - ano ba ang dengue?
‘Bakit ito kinatatakutan?’
Sagot - ang dengue, ay isang uri ng sakit na naisasalin ng bebot na lamok sa kinagat nito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung mapapabayaan ang isang pasyente na nadale nang lamok na may ‘dengue virus’ at nagpakaang-kaang o hindi agad kumonsulta sa doktor o nadala ang pasyente sa ospital tiyak may kalalagyan ang mabibiktima nito.
Ika nga, suerte kung hindi matigok!
‘Ang mahalaga kapag nilalagnat ang isang pasyente mahigit sa 2 days, may rushes, nanghihina huwag mag-ataol este mali atubilin pala na kumunsulta sa doktor o dalhin sa ospital upang ma-check up at malapatan ng kaukulang lunas.
Ika nga, para makalma ang pasyente at pamilya!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para hindi na kumalat ang mga dengue virus kapag nakakita na kiti-kiti ang madlang pinoy patayin na agad ito para hindi na sila lumaki at maging langaw este mali lamok pala at hindi na rin dumami pa ang mga lintik na ito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, panatilihin malinis ang paligid, maghudas este maghugas pala ng kamay, magsiguro maglagay ng mosquitoes repellant at higit sa lahat huwag pupunta sa mga maduduming lugar.
Sa madaling salita, mag-ingat kayo!
- Latest


















