^

PSN Opinyon

‘Anomalya sa Davao City Jail’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NALALAGAY ngayon sa sentro nang malaking kontro-bersiya ang Davao City Jail na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay matapos ilantad ng BITAG New Generation sa telebisyon noong Sabado at ngayong umaga ang mga iregularidad at bulok na sistemang umiiral sa loob.

Nagtatago na ngayon si JO3 Eduardo S. Mendez na nakapagtatakang agarang sinibak sa pwesto. Subalit, wala siyang kawala sa inisyu ng korte na warrant of arrest sa dalawang kaso ng rape at dalawang kaso ng Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 o child abuse.

Ayon sa ina na lumapit sa BITAG, ginahasa ni Mendez na dati niyang boyfriend ang 22-anyos at 8-taong gulang na anak habang nasa pangangalaga nito at nagta-trabaho naman siya sa Abu Dhabi.

Sa kasintahan niya ipinagkatiwala ang mga anak na babae. Bawat ipinapadalang pera ipinadadaan din niya kay Mendez. Mas pinaniniwalaan niya rin ito kaysa sa kanyang mga anak bagay na ikinasama at ikinalayo ng loob ng mga bata.

Ang kahinaang ito ng relasyon ng mag-iina ang nakita ni Mendez para paikutin at kontrolin niya ang sitwasyon.

Saka nalang naniwala ang ina sa mga anak nang namolestiya na ng dalawang beses ang 8-anyos at dalawang beses na ring nahalay ang 22-anyos na anak na noo’y nahinto na sa pag-aaral sa kolehiyo.

Nagtatago na ngayon si Mendez at maituturing fugitive of the law.

Sa imbestigasyon ng BITAG New Generation, may nangyaring cover up o takipan mula sa warden ng Davao City Jail hanggang sa mga kasamahang jail guard ni Mendez sa proseso ng kaniyang pagkakasibak.

Nangyari ang panghahalay sa loob mismo ng barracks ng city jail sa pakikipagtulungan ng iba pang jail guards, naipuslit ang alak at nagawa ring maipalabas ang isang preso para bumili ng shabu na parehong ginamit sa kanyang krimen.

Para sa BITAG, tip of an iceberg lang ang nangyaring ito sa Davao City Jail. Posibleng nangyayari pa rin ito sa loob at maging sa iba pang mga bilangguan sa bansa.

Uploaded sa bitagtheoriginal.com ang episode na “Davao City Jail.”

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABU DHABI

ACTS OF LASCIVIOUSNESS

ANG

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DAVAO CITY JAIL

EDUARDO S

JAIL

MENDEZ

MGA

NBSP

NEW GENERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with