^

PSN Opinyon

Hustisya na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA wakas. Matapos lumipas ang ilang dekada kung saan marami na ang namamatay dahil sa hazing ng mga fraternity, naganap na ang unang opisyal na paghatol sa dalawang miyembro ng kilalang fraternity na nakilahok sa hazing ni Marlon Villanueva ng UP Los Baños noong Enero ng 2006. Namatay si Villanueva sa nasabing hazing. Una nang nahatulan sina Dandy Dungo at Gregorio Sibal Jr. sa krimen noong 2011, pero inapela sa Court of Appeals. Nang sang-ayunan ng CA ang hatol ng mababang korte noong 2013, inangat sa Korte Suprema. Dito na natapos ang kanilang paghahanap ng lusot sa ginawang krimen. Sinang-ayunan rin ng mataas na korte ang kanilang hatol, base sa Republic Act No. 8049 o ang Anti-Hazing Law.

Ayon sa mataas na hukuman, ang kontrata ng mga fraternity ay hindi dapat nilalagdaan ng dugo, ipinagdidiwang ang pananakit, may bahid ng sakuna at ipinagpapatuloy ang paghihirap. Kaya ayon sa batas, panghabang-buhay na sila makukulong dahil namatay ang biktima. Marami silang magiging “brod” sa kulungan. Mga kriminal katulad nila. Doon sila maghanap ng sasaktan nila para maging “brod”. Ang nakakainis lang ay marami ang pinaghahanap pa sa kasong ito. Dalawampu ang pinaghahanap. Mga matatapang na nagtago na. Sana madampot pa rin sila at mahatulan na rin. Kung ano ang hatol kina Dungo at Sibal, ganun din dapat sa kanilang lahat.

Ang hatol na ito ang maglalatag ng panibagong pagtrato sa mga kaso ng hazing kung saan namatay ang biktima. Kung magiging balakid na ito sa mga walang saysay na pananakit sa hazing, hindi pa malalaman at meron pa ring mga fraternity members na mahihina ang ulo na akala ay lahat ay malulusotan, lalo na kung may mga “ka-brod” na kilalang abogado. Mga abogado na gagawin ang lahat para mapawalang-sala ang kanilang kasangga. Pero ang hindi lang maganda ay ang tagal ng panahon bago tuluyang mahatulan ang mga kriminal. 2006 naganap ang pagpatay kay Villanueva, pero 2015 lang nagkawas ang kaso. Siyam na taon.

Inaasahan na ang mga kasalukuyan at susunod na kaso kung saan may napatay na neophyte ang mga fraternity, at napakarami pa niyan, ay mas mabilis na ang takbo dahil may hatol na ang Korte Suprema. May pagbabasehan na. Ganun pa man, nabigay na rin ang hustisya sa biktima, kahit sa dalawang kriminal na muna.

ANG

ANTI-HAZING LAW

COURT OF APPEALS

DANDY DUNGO

GREGORIO SIBAL JR.

KORTE SUPREMA

LOS BA

MARLON VILLANUEVA

MGA

REPUBLIC ACT NO

VILLANUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with