^

PSN Opinyon

Sisihin si Tolentino sa grabeng trapik

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HABANG papalapit ang filing of candidacy ng mga trapong pulitiko, palala nang palala naman ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila. Ang apektado rito ay itong mga ordinaryong manggagawa, kasi nga ang basehan ng kanilang suweldo ay “no work no pay” at sa bawat oras na late sa pagpasok ikinakaltas ito sa arawang sahod. Sino nga ba ang may pagkukulang dito sa wala na yatang kalutasan na trapiko? Ang Metro Manila Development Authority nga ba? Marahil may katwiran na sisihin si MMDA chairman Francis Tolentino sa pagbabara ng mga lansangan dahil abala na siya sa paglilibot sa kapuluan sa pagsusulong ng  ambisyon na maging senador sa 2016 election kung kaya hindi na niyan nababantayan ang kanyang constables sa kalye.

Ang Malacañang ay humihingi ng pang-unawa sa mga apektadong motorista dahil ang kanilang alibi, maraming isinasagawang construction ang Department of Public Works and Higways katulad ng part-2 ng Skyways  Osmeña Highway sa Makati City na ikukonekta sa North Luzon Expressways. Ang construction ng floodways control sa area ng Manila at ang construction ng elevated road sa Ninoy Aquino International Airport. Pabor ito sa  sambayanan dahil oras  na makumpleto luluwag na ang daloy ng trapiko, iyon nga lang kung kakayanin nila ang toll fee, hehehe! 

Subalit mukhang may nasisilip ang mapanuri nating kababayan sa kakulangan ng partisipasyon ng mga local officials. Ano nga ba ang trabaho ng mga local enforcers ng bawat lungsod na dapat na repasuhin ng mayors?  Pera-pera na lang ba ang aatupagin ng mga local enforcers dahil malaki ang tara ng mga hepe? Tama ba na ang halos lahat nang enforcers sa ngayon ay naka-ambush possession na sa mga kalye at ang inaabangan ay ang mga pribadong motorista na nagsu-swerving o nabibitin sa stop and go ng traffic lights? Kasi karamihan sa enforcers ay umaasa na lamang sa 20 porsiyento o hgit pa na nakukuha sa violators  bukod pa riyan ang diretsahang “kotong”. Inalis nga ang pulis sa kalye dahil kotongero subalit ang ipinalit naman ng mga mayors ay mga mandarabong na traffic enforcers. Ang pambabaraso ng barkers sa mga drayber sa mga matataong lugar ay hindi rin nakawala sa pagbabatikos ng  sambayanan.

Kaya ang panawagan nitong aking mga kausap, kumilos na sana ang mga mayor sa pagrepaso sa trabaho ng kanilang mga ni-recruit na local enforcers. Hulihin lahat ang barkers sa kalye dahil ito ang pangunahing dahilan kung bakit pumipila ang mga pampasaherong sasakyan. Dahil sa tingin ng aking kausap oras na maisaayos ang mandato ng mga local enforcers at maalis ang barkers sa kalye tiyak na dadaloy nang maayos ang mga  sasakyan. Calling PNP Chief Ricardo Marquez sir, pakidagdagan ang mga pulis sa kalye at isama mo sa huhulihin ang barkers sa kalye. Abangan!

 

ANG

ANG MALACA

ANG METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ATILDE

CHIEF RICARDO MARQUEZ

DAHIL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGWAYS

ENFORCERS

FRANCIS TOLENTINO

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with