Top financial regulator tiwala kay Mayor Cayetano
NAGLILIPATAN sa teritoryo ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang mga multi-national corporation o iyong tinatawag na top financial regulator para rito gawin ang kanilang head office dahil na rin sa ipinakikitang ‘security’ at walang baha dito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Intellectual Property Office at Philippine Chamber of Commerce Incorporated ay ilan sa mga nakalipat na sa Bonifacio Global City.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gustong lumipat na rin sa nasabing place ang Philippine Stock Exchange, Securities and Exchange Commission (SEC), at ang Insurance Commission matapos silang magmuni-muni na rito sa BGC sila magpunta.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lubos na nagtiwala ang mga multi-national corporation kay Mayor Lani Cayetano dahil tumaas ang pang-piansa este mali kumpiansa pala nila sa alkalde na nagpatupad ng matinding disiplina, seguridad, maayos at kalinisan sa lugar bukod pa sa alaws baha, no corruption, lower taxes, better services at walang color coding dahil ang BGC ay isang fast-rising at high-flying financial center ng Philippines my Philippines.
Sabi nga, happy si Mayora Lani sa kanyang ‘new partners’ sa Taguig!
Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga negosyo na naglipatan sa Siudad ay ang Coca-Cola Bottlers Philippines, Inc., ang Coca -Cola Foundation Philippines, Inc., ang East West Bank. Ang BGC ay tahanan na rin ngayon ng malalaking kumpanya tulad ng Smartmatic Philippines, Inc.; Manila Water Company, Inc.; Hewlett-Packard AP LTD-Phil.: Sony Philippines, Inc.: Sun Life Corporation; at ang Hongkong and Shanghai Banking Corp. Limited.
‘Maging ang mga nangungunang academic institution ay nagtatayo na rin ng kanilang mga gusali sa lungsod tulad ng University of the Philippines at ang De La Salle University. Ang Korte Suprema rin ay binabalak na ring lumipat sa BGC.’ sabi ni Mayora Lani.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinilala ng World Bank ang Taguig bilang isa sa mga lugar sa Philippines my Philippines na pinaka-mahusay magnegosyo.
Ika nga, ang Taguig ay nanguna sa mga lungsod sa Metro Manila sa Ease of Doing Business dahil sa pinadali at binawasan ang mga proseso sa pagpapatala ng negosyo.
Si Noel ‘mayor’ at Tin ‘joy’(1)
MADLY in love si alyas Noel ‘mayor,’ sa kanyang batang-bata, maputi at seksi model na isang alyas Tin ‘joy’ kaya tuloy baliw na baliw ang kamoteng pulpol na politician dyan sa isang place sa Central Luzon.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lahat ng luho ni alyas Tin ‘joy’ ay ibinibigay ni alyas Noel ‘mayor’ basta ang importante ay bigyan siya ng supling ng makating bebot.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dehins alam ni alyas Noel ‘mayor’ sa kanyang betka ay escort girl ito kaya naman maraming pumupog todits.
‘Kahit may pa tsikot, condo unit, negosyo at salaping inilatag si alyas Noel ‘mayor’ kay alyas Tin ‘joy’ mukhang hindi masikmura pa rin ng huli ang una pagdating sa usaping bed scene.’ Hehehe !
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang natunugan ni alyas Tin ‘joy’ na dumidistansiya na sa kanya si alyas Noel ‘mayor’ kaya gumimik ang gaga para ipaalam sa kamoteng politiko na nagdadalang - gago siya este mali dalangtao pala kaya naman alumpihit ang huli sa muling pag-istima sa ‘kabitenya.’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang natutunugan ng watot si Noel ‘mayor’ ang kanyang kaduda-dudang pinaggagawa kaya naman pinatitiktikan siya ng malditang esmi.
Abangan.
- Latest