^

PSN Opinyon

“DA BEST BA ANG ABEST(?)”

- Tony Calvento - The Philippine Star

PANGALAN…yan ang pinaka-importanteng pinangangalagahan, dahil kapag ito ay nasira, hindi lamang lama tang aabutin mo kundi mababasag na ang inyong integridad at pagkatao.

“Sa halip na makapagtrabaho na sila at kumita para sa kanilang pamilya kabaliktaran ang nangyari dahil lang sa kapabayaan,” ayon kay Dyan.

Lumapit sa amin ang mismong General Manager ng Placewell International Services Corp. na si Dyan Movilla. Dalawa sa kanilang aplikanteng ‘domestic helpers’ ang hindi nakaalis ng bansa.

Kwento ni Dyan nag-apply sa kanilang Bacolod Branch sina Darlene Razo at Erna Lobaton. Ang kanilang opisina sa Bacolod ay ipinadala rito sa Manila ang orihinal na requirements na ipinasa ng mga aplikante sa pamamagitan ng ABest Express Bacolod noong Enero 2015.

“Sa halip na makarating sa amin ang mga orihinal na dokumento sa tamang oras nawala nila ito,” ayon kay Dyan.

Matapos ang insidenteng ito hindi man lang nakipag-ugnayan o gumawa ng kahit na anong hakbang ang ABest upang makabawi sila sa perwisyong idinulot ng ABEST sa mga taong ito.

Bilang pampalubag loob ang mga aplikante ay hinihingi na ang halaga ng kanilang ipinamasahe at ng mga dokumentong nawala ng Abest.

Kabilang sa mga nawala ay ang kanilang PDOS Certificate, CPDEP Certificate at orihinal na NBI Clearance.

“Ang mga aplikanteng ito ay kailangan pang dumaan ng bundok para lang makarating sa siyudad para makompleto at maipasa sa ‘min ang mga dokumento para makapagbiyahe upang magtrabaho sa ibang bansa.” Wika ni Dyan.

Dapat sana ay makakaalis na ang mga ito sa katapusan ng Pebrero 2015. Kung hindi nawala ang kanilang mga mahahalagang dokumento mula Pebrero ay nagsimula na sana silang kumita at makatulong sa kani-kanilang pamilya rito sa Pilipinas.

Hindi nasusukat ang pagkawala ng magandang oportunidad na kumita ng maganda-ganda at makapagtrabaho sa ibang bansa. Hindi naman lahat ng mga nag-aapply papuntang ibang bansa ay nakakapasa sa mga pamantayan ng mga makakapasok ng trabaho doon.

“Si Erna hindi na nakaalis at nawalan na ng oportunidad dahil hindi na siya mahihintay ang kanyang employer,” wika ni Dyan.

Sinubukan ng Placewell International na makipag-ugnayan sa ABest Bacolod at maging sa opisina nila sa Ortigas ngunit hindi pinansin ang kanilang kahilingan.

Nang hindi makipag-uganayan sa kanila ang ABest nagpasya na ang Placewell International na humingi ng tulong sa amin.

Inilapit namin sila sa Department of Justice Action Center (DOJAC) kay Director Perla Duque.

Ipinatawag ni Dir. Duque ang mga tauhan ng ABest para sa isang ‘mediation’.

Ikatatlo ng Hulyo 2015 nang magharap sina Dyan at ang Regional Manager NCR ABest Jonathan Sta. Ines kasama ang HR Manager na si Ms. Jeanette Alamag.

Ayon sa kinatawan ng ABest ang insidenteng ito ay nai-report nila sa pulis bilang ‘Robbery Snatching’ noong ika-17 2015. Nanakawan raw ang tauhan nilang nagdala ng mga dokumento na si Redante Navarro sa may Malate, Manila.

Ipinaalam din daw ng kanilang Coordinationg Officer NCR na si Bernadette Raymundo sa mga apektadong sangay ang nangyaring ito ngunit ayon sa Placewell wala silang ulat na natanggap.

Dagdag pa ng Placewell International nagpadala sila ng ‘demand letter’ sa Manager ng Bacolod Branch noong Marso 11, 2015. Humihingi sila ng tugon sa loob ng bente kuwatro oras ngunit hindi sumagot ang ABest.

Sinubukan rin nilang makipag-ugnayan sa ‘customer relations officer’ ng ABest ngunit hindi nila ito nakausap.

Ikasampu ng Hulyo 2015 ang sumunod na paghaharap. Ang Legal Officer ng Placewell na si Phoebe Ledesma ang dumalo.

Ayon raw sa mga nakatataas sa ABest makikipag-ayos sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga tao na maibalik ang nawalang mga dokumento sa parehong halaga.

Hindi pumayag si Ms. Ledesma doon dahil iginigiit niyang hindi nakaalis sa tamang oras ang kanilang mga aplikante. Dagdag pa ni Ms. Ledesma kailangan rin nilang pangalagaan ang reputasyon ng Placewell sa kanilang ‘foreign principals’. Pinagmulta pa sila ng Php120,000 dahil sa hindi pagkakatupad sa pagpapaalis sa bawat trabahador.

Tatlumpung libong piso ang hinihingi ni Darlene habang ang kay Erma naman ay nagkakahalaga ng Php90,000 dahil sa limang buwang pagkakatengga nito na dapat ay kinita na sa ibang bansa.

Muling humiling ang ABest ng ibang settlement na ipaparating nila sa kanilang Vice President ang usaping ito.

Ikinagulat nila ng mag-alok ang mga taga ABEST ng DALAWANG DAANG PISO sa mga aplikante. Ito raw ay para sa ipinamasahe ng mga ito.

Hindi nagkaayos at hindi sila nagkasundo kaya’t terminated na ang mediation.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung ikaw ay isang kompanya at ang inaalok mo ay serbisyo, dapat mong pag-butihan at pag-ingatan ang inyong imahe dahil dito nakasalalay ang tagumpay mo.

Bakit mong tatawagin ang inyong korporasyon ABEST ganung bulok ang serbisyong ibinigay ninyo.

Ang dahilan ninyong nagkaroon ng ‘Robbery Snatching’ ng inyong mensahero ay labas na sila dun. Bakit hindi ninyo ipinaalam o nakipag-ugnayan sa kanila kung hindi pa kayo ipinatawag sa Department of Justice (DOJAC)? 

Dalawang daang piso lamang daw ang ibabalik ng ABest sa mga aplikante. Ito ay para sa ipinamasahe ng mga ito.

Paano naman ang oportunidad na bigla na lang nawala sa kanila at ang mga buwang hindi sila kumita dahil sa pagiging pabaya ng inyong kompanya?

Marami dyang nag-aalok ng tulad ng serbisyong meron kayo ngunit ang ABest ang kanilang pinagkatiwalaan. Hindi naman pala dapat bagay na ABEST ang pangalan ninyo.

Kaya’t sa lahat ng nagbabasa ng pitak na ito at sa inyong mga kamag-anak. Umiwas na kayo. Maraming mas resposableng ‘courier service’ na ang unang layon ay gawin ang trabaho ‘with due diligence’ o sobrang pag-iingat para sa kapakanan ng kanilang kliyente na bumubuhay sa kanilang negosyo. Huwag na kayo sa ABEST, dun na kayo sa totoong DA BEST!

 (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

ABEST

ACIRC

ANG

DYAN

HINDI

ITO

KANILANG

MGA

PARA

PLACEWELL INTERNATIONAL

SILA

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with