^

PSN Opinyon

‘Kay haba ng isang gabi’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7104038

“Nagkita pa kami. Nagkausap. Ang ipinipilit niya hiwalayan ko ang kinakasama ko at kami na lang daw dalawa,” sabi ni Grace.

Naitampok na namin sa aming pitak ang tungkol sa naging problema ni Mary Grace Calilung. Pinamagatan namin itong ‘One Night Only’.

Sa isang pagbabalik-tanaw may nakakilalang kababayan si Grace sa isang ‘social networking site’ na tagged.com.

Isa ito sa pinakasikat na lugar sa internet para sa mga taong naghahanap na makaka-date o karelasyong ‘foreigner’.

Binata, tatlumpu’t pitong taong gulang at ‘Machine Operator’ sa Jeddah ang pakilala sa kanya ni Edgardo Suriao.

Sa pakikipag-usap niya dito nababanggit na raw sa kanya ni Edgardo na magkikita sila pag-uwi nito sa Pilipinas. Ipinaalam din ni Grace na may isa siyang anak na lalaki.

Gusto umanong tulungan ni Edgardo si Grace kaya naman nagpapadala raw ito ng pera sa kanya buwan-buwan.

“Kusa siyang nagpadala. Hindi ako nanghingi sa kanya. Gusto niya lang daw talaga akong tulungan para na rin sa anak ko,” salaysay ni Grace.

Ika-29 ng Enero 2015 nang magpasundo si Edgardo sa airport kay Grace. Dumiretso sila sa Tagaytay kasama ang kanyang anak at hipag.

Sila ni Edgardo ang magkatabi habang sa kabilang kama naman ay ang anak at hipag.

“Nadiskubre ko na ang tunay niyang edad. Nasilip ko kasi ang cellphone niya habang naliligo. Pati ang pagkakaroon niya ng anak at asawa nalaman ko rin,” ayon kay Grace.

Nailang na si Grace kaya naman kinabukasan nagpaalam na siya kay Edgardo na uuwi na sa kanila. Hindi umano ito pumayag. Pinaiwan din nito ang kanyang anak at binigyan siya ng pera pambili ng laruan at ng kanilang pagkain.

Ilang beses nagpaalam ni Grace mula nang siya’y makabalik ngunit iginigiit ni Edgardo na sasama umano ito sa kanya.

Dito na nagpasyang takasan ni Grace ang lalaki. Humanap siya ng tiyempo habang naghihintay sila ng bus. Pinauna niya ang hipag at anak saka siya sumunod.

“Nung buksan ko ulit ang cellphone ko dun ko na nakita ang mga text niya. Alam niya na kung saan ako nakatira at alam niya na rin daw na may kinakasama ako,” kwento ni Grace.

Ipinabarangay na siya ni Edgardo dahil kinukuha nito ang perang naiwan kay Grace. Sinisingil na rin sa kanya ang lahat ng ipinadala nito at nagastos sa kanya.

Handa naman daw ibalik ni Grace ang pera ngunit huwag naman daw sobra-sobra ang singil nito sa kanya.

Dagdag pa niya may mga text pa raw sa kanya itong si Edgardo na hiwalayan niya na ang kanyang kinakasama at sila na lamang ang magsama.

Hindi sila nagkasundo kaya’t nagsampa ng kasong ‘Theft’ sa Tagaytay Prosecutor’s Office si Edgardo.

Halagang Php76,000 at ilang gamit pa umano ang nakuha nito sa kanya.

Bilang tulong kay Grace ini-refer namin siya noon sa Department of Justice Action Center (DOJAC) kay Director Perla Duque dahil kailangan na niyang magsumite ng kanyang kontra-salaysay.

Matapos ang palitan nila ng salaysay nakatanggap ng kopya ng ‘Resolution’ si Grace.

Ayon dito matapos nilang suriing mabuti ang mga ebidensiya, nakitaan ng ito ‘probable cause’ upang makasuhan si Grace ng ‘Theft’.

Ang positibong deklarasyon ng nagrereklamo na kinuha ni Grace ang pera at ilang mga gamit na nagkakahalaga umano ng Php76,700 nang labag sa kalooban ni Edgardo ay mas kapani-paniwala kumpara sa sagot ni Grace na puro ‘denial o alibi’ na mahina.

Ang iba pa niyang depensa ay dapat madinig sa isang malawakang paglilitis.

Ang lahat ng impormasyon tungkol sa kasong kinakaharap ni Grace na Theft ay iniaakyat na sa Regional Trial Court (RTC). Pirmado ito ni Deputy City Prosecutor Edgardo Ambagan.

“Wala naman akong ninakaw sa kanya. Kung hindi niya dinagdagan ang halagang talagang naiwan lang sa akin naibalik ko na sana ang pera,” ayon kay Grace.

Nais malaman ni Grace kung maaari ba siyang mag-file ng ‘Motion For Reconsideration’ dahil may testigo naman siyang makakapagpatunay na hindi niya ninakaw ang pera.

Lumapit siya sa abogadong tumulong sa kanya si Atty. Samson Villaueva ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ngunit pagsasayang lang daw ng oras ang pagpa-file ng MR.

Magbayad na lang daw siya ng PHP45,000 na ‘bail bond’. Ganun ba   yun Atty? Sinabi mo ba yun? Hindi ba’t dapat mong gamitin ang lahat ng ‘legal remedies’ para sa iyong kliyente?

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maraming naglalabasang balita at usap-usapan tungkol sa pakikipagrelasyon sa mga banyaga o mga kababayan na nasa ibang bansa.

Hindi pa natatapos ang labing limang araw ni Grace upang makapag-file ng Motion for Reconsideration kaya’t maiihabol niya pa ito.

Kung sumentro ka kaya sa argumento ni Grace na hindi naman niya kinuha o kinupit ang pera at gamit nitong si Edgardo, bagkus ipinaubaya sa kanya at sa kadahilanan ayaw siyang pakawalan nito hindi kaya may laban ang depensa ni Grace?

May bahay na dapat uwian si Grace at hindi porke’t sumama siya ng ‘one night only’ pwedeng pang habang buhay na.

Kapag ang tao ay nagpupumiglas dahil ayaw bitiwan, hindi ba’t gagawa ito ng paraan para makatakas.

Kung nadala man niya ang gamit nitong si Edgardo, inamin niya ito keysa iwan na lang niya sa lugar na iniwan siya at may ibang kumuha. Hindi ba’t siya rin ang pagbibitangan.

Pikon palang ‘playboy’ ang lalaking ito. Galante kang tumulong may kapalit pala ito. Sa barangay nakuha naman niya ang ibang gamit. Saan mo gustong hanapin ka nung babae? Sa bahay ng misis mo?

Ang mga abogado ay dapat bigyan ng laban ang kanilang mga kliyente hindi yung ikaw mismo ang magpapahina ng kanyang loob.

Walang pinagka-iba yan sa ikaw ay ‘illegally detained’ dahil ayaw kang pauwiin. Nakakuha ng pagkakataong pumuslit itong si Grace subalit ang mga gamit ng lalaki ay nasa pag-iingat niya. Iiwan ba niya na lamang ito? Nagtatanong lang. Pareho naman sila nagsimula sa tinatawag na ‘en pari delicto’ o may kasalanan sa simula’t simula pa.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o mga biktima ng krimen, kung may problemang legal, maaari kayong magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

DEPARTMENT OF JUSTICE ACTION CENTER

EDGARDO

GRACE

HINDI

LEFT

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with