^

PSN Opinyon

‘Adan na muli si Eva

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

PAGPILANTIK ng kamay niya ang naglayo sa ama… nagpaluha naman sa kanyang ina ang pag-uwi niya ng babaeng may bilog na sa tiyan.

Mula sa pagiging lantad na bading… mahaba ang buhok, nagbibistida at nagtatakong, tinalikuran ni Mikee ang makulay na entablado ng mga ‘gay contest’ at piniling maging maton.

“Kontisera ako noon pero pinutol ko ang buhok ko. Nagsuot ako ng panlalaki ng maging ama na ako…” panimula niya.

Si Michael Garcia, 36 na taong gulang ay nakilalang Michaela o “Mikee” sa kanilang lugar. Ayon sa kanya, Mikee Cojuangco ang alyas na gamit niya ng magsimulang sumali sa mga ‘gay beauty contest’.

Bata pa lang si Michael lito na siya sa tunay niyang kasarian. Nung una nagkakaramdam siya ng paghanga (crush) sa kapwa lalaki at kinalaunan nakumpirama niyang isa siyang bakla.

Hindi naging madali sa pumanaw na ama ni Michael ang pagtanggap sa kanyang pagkatao. “Ang tatay ko noon pa lang ay hindi ako maintidihan. Panganay kasi ako sa anak niyang lalaki kaya ganun pero sa Nanay ko wala akong naging problema,” kwento ni Michael.

Nakapagtapos ng hayskul si Michael. Labing walong taong gulang siya ng pumasok sa ‘Promotion’ dito niya nakilala si Annalyn “Keng-Keng” Garcia, 41 taong gulang, taga Pasig din.

Magkasama sa ‘voice lesson class’ sina Michael at Keng-Keng. Sa maikling panahon naging magkaibigan sila ni Keng-Keng mabilis silang nagkalapit.

Habang nag-eensayo nagpapadala ito sa kanya ng pagkain na galling Tropical Hut  at sulat na pinapaabot niya sa mga kasama sa promotions.

Ganito raw siya pinormahan ng dalaga. Kwento ni Keng-Keng, nung minsan dinala daw ito sa kanya sa Pasig Cathedral Church. Sa harap ng altar bigla na lang sinabi ni Keng-Keng na “I love you, Michael!”

Nagulat si Michael at nagtanong, “Huh, sigurado ka ba dyan?!”

Aminado si Michael na dahil bata pa siya nung mga panahong iyon at gusto niyang malaman kung ano ba talagang gusto niya, babae o lalake? Nahamon siya at pumasok sa pakikipag-relasyon kay Keng-Keng.

“Mabilis ang naging pangyayari nun, syempre wala naman akong alam nun kundi magpaganda ng magpaganda… ilang linggo lang sinabi sa ‘kin ni Keng-Keng na buntis siya,” sabi ni Michael.

Agad niyang inuwi sa bahay si Keng-Keng at sinabi sa mga magulang na ito’y buntis. Umiyak ang ina niya ng malamang nakabuntis ang anak.

“Ano bang nangyari? Bakit? Alam mo namang bakla itong anak ko!” sabi daw ng ina kay Keng-Keng.

Sinabi ni Michael na papanindigan niya ang mag-ina kaya’t mabilis din natangap ng kani-kanilang pamilya ang kanilang sitwasyon.

Ikinasal sila sa Huwes nung ika-12 ng Pebrero 2003.

Nang makapanganak si Keng-Keng tumuloy siya sa Japan sa Okinawa at nagtrabaho dun bilang Pinay-Entertainer. Anim na buwan siya sa Japan. Nakadalawang balik din dun si Keng-Keng. Matapos niya si Michael naman ang pumunta sa Tokyo, Japan para magtrabaho bilang ‘entertainer’ din.

“Kapag nasa trabaho ako nagbibihis pambabae ako,” ani Michael.

Matapos nitong nanatili na sila sa Pilipinas. Nakapagpundar sila noon ng bahay subalit naibenta rin daw ng magipit sila.

Pareho silang nagtrabaho sa Pinas. Naging factory worker sa Antipolo si Kengkeng. Si Michael pumasok din bilang factory worker sa Unilab.

Limang taon makalipas nasundan ang kanilang panganay. Isang taon lang ang pagitan na buntis ulit si Keng-Keng sa kanilang bunso.

“Maayos naman ang pagsasama namin. Wala kaming naging problema hanggang mangibang bansa siya ulit,” ani Michael.

Taong 2007 nang magpunta sa bansang Turkey si Keng-Keng.  Tourist lang daw ang visa ng kanyang asawa subalit nagtrabaho siya rito bilang taga-alaga ng bata (nanny).

Limang taon daw naging TNT (Tago-Ng-Tago) si Keng-Keng sa Turkey. Sa loob ng mahabang taon na ito hindi sila nagkasama. Naiwan sa kanya ang mga bata subalit nagpapadala naman daw nun si Keng-Keng ng halagang P12,000.

“Naging ‘houseband’ ako pero tumutulong naman ako kahit papaano. Nagugupit ako ng buhok, nagbebenta ng mga cross stitch,” ani Michael.

Nagsimula raw magkaroon ng problema ang dalawa nung taong 2013. Pera raw ang dahilan. Sinabi raw ni Keng Keng na nilulustay niya ang perang pinapadala. Umabot pa nga raw sa barangay ang usapin.

Bagay na tinaggi niya, “Maayos kong inalagaan ang mga anak ko,” aniya.

Nagkalabuan na raw silang mag-asawa dahil na rin sa tsismis na pinapaniwalaan daw nito, “May babae daw ako, nakabuntis pa raw ako. Hindi naman,” dagdag ni Michael.

Taong 2012, pag-uwi ni Keng-Keng sa Pinas, nasa airport pa lang daw sila naghiwalay na sila. Si Michael daw mismo ang umalis sa bahay.

Kinuha ni Keng-Keng ang tatlong anak. Taong 2013, pitong buwan makalipas bigla na lang siyang tinawagan ni Keng-Keng at pinakuha ang mga bata.

“Hindi na raw maalagaan ng maayos sa kanila… kinuha ko mga anak ko,” kwento ni Michael.

Nung una nagbibigay daw si Keng-Keng subalit bigla na lang daw itong hindi nagpadala. Nasa sampung buwan na rin mula sa kasalukuyan. Sinubukang kausapin ng kanyang panganay ang ina subalit sagot daw nito ayon kay Michael, “Wala akong pera… unahin ko muna ang sarili ko.”

Iba’t-ibang trabaho ang pinapasok ni Michael para hindi mahinto sa pag-aaral ang tatlong anak. Naggugupit siya ng buhok, nagbebenta ng cross stitches, nagpa-flower arrangement at nagmi-make up.

Desyembre 2014, nakita niya sa facebook ng anak ang account ng misis at nakita niya ang post umano nito na, “My husband” na may mga larawan ng isang Turkish National at may sanggol pang kasama.

Sa ngayon tanggap na niyang tapos na ang sa kanila ni Keng-Keng subalit giit niya ayaw niyang mawalan ng karapatan ang tatlong anak sa kanilang ina.

Itinampok namin ang kwento ni Michael sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ. (Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, diresto naming sinabi kay Michael na kailangan niyang gumawa ng paraan para mabuhay ang kanyang mga anak. Huwag niya iatang ang responsibillidad sa asawa at mas lalo siya mamahalin at rerespetuhin hindi lamang ng mga anak niya kundi pati ng ibang tao.

Ganun pa man, amin siyang tutulungan na iparating ang kanyang problema sa ating embahada sa Turkey sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Usec. Rafael Seguis upang malaman niya kung nagpakasal na ba sa iba itong si Keng-Keng at meron na nga anak.

Ang pinaka-problemang nakikita ko ay ang bansang Turkey at ang Pinas ay walang matibay na kasunduan upang obligahin, parusahan o pabalikin ang kanyang asawa. Dahil kung kasal ito sa isang ‘Turkish National’ siempre poprotektahan at papanigan nila ito.

Hindi pa katagalan ang nangyaring malaking iskandalo sa pagpatay kay Ramgen Bautista at ang pag-alis ng pinaghihinalaang may kinalaman na kapatid na si Ramona Bautista pawang mga half-siblings ni Sen. Bong Revilla.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038. Hotlines: 09213263166, 09198972854, Tel. Nos.: 6387285, 7104038

KENG

KENG-KENG

LEFT

MICHAEL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with