^

PSN Opinyon

Modus

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATINDI ang raket ng isang grupo ng mga kalalakihan sa Estero Cegado cor. Carriedo Streets, Quiapo, Manila na hindi natutuklasan ni Supt. Aldrin Gran. Ayon sa mga sumbong na nakarating sa akin, inaakay umano ng mga kalalakihan ang mga dual citizen este senior citizen na naglalakad sa naturang lugar papasok sa isang kubol  na nakapuwesto sa nabanggit kong mga kalye. Pagpasok ng naingganyong damatan todo asikaso ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kape o juice. Maganda naman sana itong buting ipinakikita ng mga kalalakihan dahil kailangan talaga ng mga senior citizen ang kalinga upang magabayan sila sa paglalakad at mabigyan ng lunas ang karamdaman sa katawan.

Ang masakit sa kabila pala ng pag-aasikaso ng mga kalalakihan sa mga matatanda may kapalit pala ito na hindi matatanggihan ng mga biktima. Katulad ng pagpatak ng likido sa mata na ayon sa mga raketista makapagpapalinaw ng mata at ang paghaplos ng langis  na nakaaalis umano ng mga allergy at nakakarelax sa pagal na katawan. Ngunit sa tingin ng aking mga kausap, hindi ito aprubado ng Department of Health kung kaya may peligro itong dala sa sinomang nalapatan. Ang nakakakainis pa, nauubos ang datung na baon ng mga matatanda dahil bawal tanggihan ang inaalok na gamot ng mga kalalakihan. Matagal na itong nag-ooperate sa naturang lugar na hindi nalalaman ni Central Market Police Station chief Supt. Gran kung kaya yumayabong modus ng mga kalalakihan.

May balita pa akong isang tomboy ang nagbibigay ng P2,500 tuwing Biyernes sa barangay officials na nakakasakop. Ang tomboy rin ang nagbibigay ng P5,000 sa Plaza Miranda Police Community Precints. Ang hindi pa kanais-nais, ang gilid ng tinutukoy kung kubol ay tinutulugan ng mga pagod na pagod na mga pulisya ni SInsp. Rommel Anacite, lumalabas tuloy na protector ang mga ito sa raket ng mga kalalakihan. Calling DOH secretary Janet Garin at MPD Director SSupt. Rolando Nana, paki-inspection ang tinutukoy ng mga matatatanda sa Carriedo dahil kung patuloy itong nag-ooperate, hindi malayong maraming mauubusan ng datung sa kapabayaan ng mga pulis ni Gran at Anacite.

At habang tinutungkab ninyo itong modus ng mga kalalakian, nais kung iparating kay Manila Mayor Joseph Estrada  at Boy Sita/Boy Hatak Vice Mayor Isko Moreno na  lantaran na naman ang bentahan ng abortion pills sa Evangilesta at Quezon Boulevard. Nagkalat na naman muli ang mga fixer ng golden hand sa kahabaan ng C. M. Recto na nag-aalok ng mga pekeng diploma, drivers license, permit to carry firearms at kung ano-ano pang dokumento. Naglipana na rin ang mga video karera, illegal gambling na kinabibilangan ng bookies ng horce racing, looting at ending sa paligid ng Quiapo at Sta Cruz dahil lantaran din ang bentahan ng shabu dahil sa kawalan ng aksyon ni Gran. Abangan!

ALDRIN GRAN

BOY SITA

CARRIEDO STREETS

CENTRAL MARKET POLICE STATION

DEPARTMENT OF HEALTH

ESTERO CEGADO

JANET GARIN

KALALAKIHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with