^

PSN Opinyon

Babaing bihasa sa ingles, biglang hindi na ito maisalita dahil sa brain hemorrhage!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG 24-anyos na babae sa Guangzhou, China ang naging tampok ng pambihirang medical case sa isang ospital sa China matapos siyang mawalan ng kakayahang magsalita ng Ingles, ang wikang gamit niya sa pang-araw-araw.

Ayon kay Dr. Wan Feng, hepe ng Department of Neurosurgery sa Guangdong Provincial People’s Hospital, bigla na lamang nawalan ng kakayahang magsalita ng Ingles ang nasabing babae habang nasa klase.

Bago ang insidente, bihasa ito sa nasabing wika dahil sa matagal na pag-aaral sa ibang bansa.

Gayunman, nang isugod siya sa ospital, tanging Mandarin at Cantonese na lamang ang kaya niyang sambitin, bagamat buo pa rin ang kanyang kaka­yahang makaintindi at magbasa ng Ingles.

Nang una’y pinaghinalaan ng mga doktor na maaaring may tumor sa bahagi ng kanyang utak na may kinalaman sa wika.

Ngunit sa isinagawang MRI, lumitaw na ang sanhi ay isang cerebral hemorrhage sa kaliwang bahagi ng motor area ng kanyang utak na naging dahilan ng pagkasira sa kakayahan niyang magsalita ng Ingles.

Agad siyang isinailalim sa brain surgery upang tanggalin ang pressure sa kanyang utak, at sa kabutihang-palad, agad na bumalik ang kanyang kakayahang magsalita ng Ingles.

Nakabalik din siya sa kanyang pag-aaral sa ibang bansa matapos ang operasyon.

Samantala, hindi rin nakaligtas sa mga birong komento ng netizens ang insidente. “Anong klaseng operasyon ‘to? Gusto ko rin makapagsalita ng fluent English!” biro ng isang netizen.

“Doc, pa-German surgery po si Bed 3,” dagdag pa ng isa.

Bagamat may halong katuwaan ang reaksiyon ng ilan, muling pinakita ng kasong ito kung gaano kahalaga ang wika bilang bahagi ng ating pagkakakilanlan, at kung paano ito maaaring biglang mawala dahil sa karamdaman sa utak.

PROVINCIAL PEOPLE’S HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with