^

PSN Opinyon

‘Patron’

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

(Pagtatakipan at pagtuturo ng sisi sa iba)

MARAMING taong matatalino pero ang kanilang utak nilalagay sa talampakan. May iba namang hindi ganun katalino pero magaling. Wais, swabe kung gumawa ng raket at kalokohan. Maraming ganyan sa pamahalaan.

Binigyan lang ng posisyon ng kung sinuman nilang patron, nang-abuso na ng kapangyarihan. Labis-labis kung magdesisyon at dumiskarte ng sarili kahit labag na sa konstitusyon.

Ang nakakapagtaka, sa halip na kastiguhin ng nakaupong lider, inaayunan pa. Ang masahol, ipinagtatanggol sa kung anumang kinasasangkutang kontrobersiya.

Hindi na ako magbabanggit ng mga espisipikong insidente at mga personaheng nasangkot sa iba’t ibang isyu. Nasaksihan ng buong sambayanan at buong mundo kung papaano sila ipinagtanggol at inilaban ng patayan ng kanilang ‘KKK.’

Sa halip na panagutin, ang nangyayari, pinagtatakpan. Itinuturo ang sisi sa iba. Ang masaklap pa, sinasabing namana lang ang problema sa nakaraan.

Ganito ang nangyayari ngayon sa administrasyon. Ang mga nakapalibot sa presidente, kahit na mali, pilit idini-depensa. Kung sangkot ang isang ‘kakulay’ inililihis ang isyu.

Estratehiya ito ng mga hipokrito para mamatay ang kontrobersiyang maaaring sumira sa kanilang kamada lalo na’t malapit na ang 2016 national elections.

Tulad ng lagi kong sinasabi sa aking programa sa telebisyon at radyo, hindi ito pagkokomentaryo. Sinumang talpulano, basta may bibig at dila, maaaring magbigay ng tiglilima-singko nilang komento. Hindi ganito ang BITAG Live. Bagkus, matalinong pag-aanalisa sa mga isyu at kaganapan para makita ng publiko ang dunong at lohika.

Sana natuto na ang taumbayan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

BAGKUS

BINIGYAN

ESTRATEHIYA

GANITO

ITINUTURO

KUNG

MARAMING

NASAKSIHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with