^

PSN Opinyon

‘Tapusin na natin ito!’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

“SINONG paniniwalaan ng korte, ang sinasabi ng bibig na nakakapagsinungaling o mga dokumentong nagpapatunay na lahat nilagdaan?”

Ito ang paninindigan ng 64 anyos na inang si Ligaya Mariano tungkol sa pagkakadiin sa kanyang anak na si Sherman Aquino, kasalukuyang machine operator sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

“Paanong mangyayaring binaril siya ng anak ko nun? January 11, 2012 nasa Dubai na siya kumpleto kami sa dokumento,” ani Ligaya.

Ika-6 ng Enero 2014, nagsadya sa aming tanggapan si Ligaya Mariano at manugang na si Maricel Aquino---asawa ni Sherman.

Ilang ulit naming isinulat ang sinapit ni Mark Torres matapos barilin mula sa inuman sa Dabarkads. Si Sherman tinuturong umano’y bumaril sa kanya.

Sangkot umano ang kapatid niyang si Cecille o “Shane”. Giit ni Rosario, sinet-up ang kanyang anak nila Sherman dahil sa selos, matapos matuklasang nagkaroon ng relasyon ang asawang si Maricel at Mark. Ito raw ang ugat ng alitan.

Pinabulaanan lahat ni Sherman ang akusasyon sa kanya dahil nasa Dubai umano siya ng mangyari ang krimen, imposibleng siya raw ang namaril.

Nitong huli nagbalik sa amin si Rosario at sinabing galing siya sa Branch Clerk of Court, RTC Branch 23, Trece Martires para kumuha ng kopya ng warrant of arrest nagulat siya ng sabihing nawawala ang dokumento ng kaso.

Aming isinulat muli ang problema niya nung January 2, 2015 at pinamagatan namin itong, “Sa panaginip lang, duon lang…”. Mula nun nakatanggap ako ng mensahe sa ‘facebook’ galing kay Sherman at sinabi niyang handa niyang harapin ang mga binabato laban sa kanya. Nagpadala din siya ng mga warrant of arrest, criminal case no. 3232 at pinirmahan nung Nobyembre 21, 2011. Pirmado ni Presiding Judge Vicente Montes, RTC Calaca-Batangas at siya’y pinaglalagak ng piyansang Php10,000.

Tumawag sa amin si Sherman nung Ika-6 ng Enero 2015 at hiniling kung maari bang magpunta sa amin ang kanyang ina upang ipakita ang kopya ng mga katibayang magpapatunay na nasa Dubai na siya ng barilin si Mark.

Kinabukasan, ika-7 ng Enero, nagsadya sa amin ang ina ni Sherman na si Ligaya at manugang na si Maricel. Dala niya ang Affidavit na sinumite ni Sherman sa Consulate General of the Republic of the Philippines, Dubai and the N. Emirates. Dito nakasaad na: “Noong nakaraang Dec. 11 2011, ako ay umalis ng bansang Dubai para sa aking bakasyon at dumating ng Pilipinas ng Dec. 12, 2012. Makalipas ang isang buwan January 11, 2012 ay umalis na ng Pilipinas at bumalik na ng Dubai ito ay patunay na hinding hindi na ako lumabas ng bansang Dubai simula ng ako ay dumating sa bansang ito at nagpapatunay ang origihinal na kopya ng aking pasaporte.”---laman ng affidavit na kanyang nilagdaan ika-19 Setyembre 2012.

Itinampok namin sila sa aming programa sa radio. “HUSTISYA PARA SA LAHAT”, DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM/Sabado 11:00-12NN)

Ayon kay Ligaya, hindi raw nila alam na may kaso itong si Sherman nagulat na lang daw sila ng ma-diaryo ito. Totoo raw nagbakasyon itong si Sherman nung Enero 2013 at dumiretso raw sa kanilang Mayor na si Jose Ricafrente, Jr ng Rosario, Cavite para humingi ng ligal na tulong para sa kaso ng anak. Sinubukan daw nilang kausapin si Rosario para matapos na ang kaso subalit walang nangyari.

“Ipinasa namin ang mga dokumento ng anak ko kay Prosecutor Ferdinand Palafox subalit nailabas na niya ng resolusyon,” ayon kay Ligaya.

Ilang ulit sinabi ni Ligaya na walang kinalaman ang anak niya sa krimen. Mabait daw itong si Sherman at si Rosario raw ang siyang sanay sa kasuhan.

Para makuha ang panig ni Rosario, kinapanayam namin siya sa radyo at tinanong ang tungkol sa umano’y kasong shoplifting. Mabilis na sagot ni Rosario, “Matagal na panahon na po yun sir. Sa Korte na lang tayo magkita, Ligaya!”

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ikaw mismo ang sinampahan ng kaso, may testigo sila na nagtuturo sa’yo. Inaasahan ng taga-usig na ikaw ang haharap sa Preliminary Investigation at hindi ang iyong ina.

Bagamat kung susuriin, sa unang salaysay na ibinigay ng testigo ng grupo ni Mark nakasuot ng bonnet ang dalawang namaril, ito rin naman ay kinatigan ng Pulis-Tanza ng sila’y maglabas ng spot report. Matapos ang ilang araw sinabi ng testigong wala nang suot ng bonnet ang mga ito. Hindi kaya kinakahon itong si Sherman para ma-swak sa kasong pagpatay?

Sa pagitan naman ng alibi at ng isang testigong sinasabing siya ang namaril, ang huli ang papanigan ng taga-usig. Matibay din naman lahat ng pinadala niyang ebidensya gaya ng pag-alis mo, ikaw ay umalis ng Enero 11, 2012 papuntang Dubai at ika-2 ng Pebrero 2012 pinatay si Mark.

Bagamat nagpresinta ka ng photocopy ng iyong pasaporte, ang kinakailanga’y magkaroon ang taga-usig ng pagkakataon na makaharap ka. Parte ng Preliminary Investigation ang pag-iimbestiga ng taga-usig sa pamamagitan ng clarificatory questions na ikaw lang ang maaaring makasagot at wala ng iba.

Ang alibi ay nabibigyang timbang lamang kapag imposible na ang iyong katawan ay nasa dalawang magkalayong lugar sa parehong araw, oras at petsa. Gaya ng kasong ito, sa Cavite pinatay at ikaw ay nasa Dubai.

Hindi ka maaaring magtago habambuhay dyan sa Dubai. Darating ang panahon na kailangan mo ng bumalik at mas lalo mong pinapatagal ito. Ikaw na rin ang nagpapahina sa sarili mong kaso. Ang ilang sa’yong ebidensya, gaya ng iyong logbook na beneripika ng iyong supervisor (certified true copy) dapat din ay iharap ang iyong supervisor sa korte para patotohanan niya na siya nga ang gumawa nito.

Isinaalang-alang ng taga-usig ang motibong paghihiganti dahil natuklasan niyang ang iyong asawa ay nagkaroon ng relasyon kay Mark. Tinanong namin ang iyong ina, ‘di kaya inutos mo sa ibang banatan si Mark para makaganti? Ikaw ay umalis ilang araw bago maisakatuparan yan para meron kang kombinyenteng palusot? Isang mariing pagtanggi. “Hindi” ang sagot ni Aling Ligaya.

Para naman maging patas pinapunta namin si Ligaya Department of Justice Action Center (DOJAC) kay Dir. Perla Duque para masusing pag-aralan kung may ligal na hakbang maaari pang gawin (legal remedy). Magsampa sila ng Omnibus Motion at hilingin na ibasura ang Warrant of Arrest. O kung ‘di naman, pag-uwi niya isuko niya ang kanyang sarili sa hurisdiksyon ng korte. Tutulungan din namin siya makakuha ng abogado para hilingin na magkaroon ng muling pag-iimbestiga. Magkahain din siya ng ‘Petition for Bail’ kung sa palagay niya ay puro circumstantial (haka-haka) ang kanilang ebidensya.

Isa lang ang malinaw sa usaping ito, may Outstanding Warrant of Arrest na inilabas ni Judge Aurelio Icasiano Jr. matapos niyang suriin kung meron ngang Probable Cause para ika’y humarap sa paglilitis para sa kasong Murder.

Iyan ang katotohanan na dapat mong bunuin. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.

DUBAI

LEFT

LIGAYA

PARA

SHERMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with