^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura sa landas ng Nazareno

Pilipino Star Ngayon

TIYAK na maraming basura na naman ang maiiwan sa dinaanan ng Itim na Nazareno. Kung gaano karami ang debotong sumama sa prusisyon, ganoon din karami ang basurang iniiwang basura sa kalsada.

Sabi ng awtoridad, mas marami raw ang sasama ngayon sa prusisyon kaysa noong nakaraang taon. Ibig sabihin, mas maraming basura ang maiiwan sa kalsada ngayong pista ng Nazareno. Mas maraming tao, mas maraming basura.

Noong nakaraang taon, nakakolekta ang Metro Manila Development Authority ng 32 truckloads ng basura. Nakabuntot ang mga garbage trucks sa dinadaanan ng Nazareno at agad pinupulot ang mga basurang inihahagis na lamang ng mga deboto. Nakaagapay ang mga tauhan ng MMDA at maliksing kinukuha ang mga basura.

Kabilang sa mga basurang nakolekta ng mga truck ng MMDA ay styrofroam cups, plastic bags, candy wrappers at marami pang iba. Nagmistulang dagat ng mga plastic ang kalsadang dinaanan ng Nazareno. Ang iba ay nililipad pa ng hangin at tinatangay kung saan-saan. Marami ang nasu-siyut sa imburnal at mga drainage. Sa pagdating ng tag-ulan, ang mga plastic na iyon ang magiging dahilan ng pagbaha. Hindi natutunaw ang mga plastic kaya nakabara sa matagal na panahon.

Taun-taon ay isinasagawa ang prusisyon ng Itim na Nazareno. Mahabang panahon nang ginagawa ang prusisyon subalit hanggang ngayon, hindi pa nagkakaroon ng disiplina ang mga tao na huwag magkalat ng basura. Hindi pa rin ganap na naiintindihan ng mga deboto na ang pagtatapon nila ng mga basura ay nagdudulot nang malaking kapinsalaan sa bansa. Dahil sa mga basura kaya may mga pagguho ng lupa at pagbaha.

Ngayong araw na ito, isa na namang malaking pagsubok ang maitatala sa kasaysayan. Muli na namang ipuprusisyon ang Poong Nazareno. Makikita na naman ang dagat ng mga tao habang matiyagang hinihila ang Nazareno.

Sana hindi naman makalimot ang mga deboto na magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Kung iginagalang ang Nazareno, igalang din naman ang kapaligiran. Maawa at iligtas ang kalikasan.

BASURA

DAHIL

IBIG

ITIM

KABILANG

MAAWA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAZARENO

POONG NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with