^

PSN Opinyon

Taas pasahe

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON nagulantang ang marami sa biglaang pagtaas ng pamasahe ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit. Sa kabila ng karagdagang gastusin, siksikan pa rin ang mga bagon dahil ito ang pinakamabilis na sasakyan. Habang nag-uunahan at nagsisiksikan makasakay sa mga kakarag-karag na LRT at MRT tumutukod naman ang trapik sa lahat ng dako ng Metro Manila dahil nga unang araw ng pasok sa school at opisina. May magandang balita naman sa mga motorista dahil ibinaba ang petrolyo. Kumipot naman ang kahabaan ng Roxas Boulevard, Padre Burgos sa Ermita, Manila matapos lagyan ng concrete barrier ang naturang kalye bilang paghahanda sa daraanan ng Santo Papa. Kaya umiikot na naman ang ulo ni MMDA chairman Francis Tolentino dahil kumipot na naman ang kaharian ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na ang maaapektuhan nang todo rito ay ang trucking firm sa teritoryo ni Hugas Kamay BOC Commissioner John Sevilla.

Tiyak na lolobo na naman ang problema sa port dahil sunud-sunod na malalaking event ang kahaharapin ng Maynila sa buwan na ito. Ang tinutukoy ko ay ang Kapistahan ng Black Nazarene sa Quiapo, Sto. Niño sa Tondo at Pandacan at ang pagdating ni Pope Francis na dadaluhan ng milyun-milyong tao. Kaya ang mabuting gawin ni Tolentino ay personal na kausapin si Manila Traffic Zcar Boy Sita/ Boy Huli Vice Mayor Isko Moreno sa mga balakin niyang re-routing sa Maynila upang maiwasan na ang samaan ng loob.  Samantala kung sumikip man ang mga lansangan sa Metro Manila dahil sa pagdagsa ng mga motorista matapos ang mahabang bakasyon, lumobo naman ang mga bulsa ng airport police sa pagdagsa ng mga turista sa NAIA at Centennial Terminals. Bukod pala sa mga turista na gustong maka-obserba sa mesa ni Pope Francis sa Quirino Grandstand at Tacloban, Leyte may mga hawak pala itong mga colorum na SUV na pumipik-up ng mga Koreano.

Matagal na palang kalakaran diyan sa NAIA at Centennial Terminals na hindi natutungkab ni LTFRB chairman Wnston Ginez. Madali lamang umano ito makikilala dahil bukod sa heavily tinted ang mga salamin nito ay may nakasabit pa umano itong mga Media IDs sa harapan. Tumatagingting na P100, 200, 500 kada drayber ang napasasakamay kina Ordillano, Funtanilla, Reyes, Catchuela at Madayag kada pick-up ng turista bukod pa riyan ang weekly sa operators. Calling Chairman Ginez Sir, kung gusto mong masugpo ang colorum sa Metro Manila, unahin mo muna ang paglipana ng mga SUV sa airport at ang tip ko sa iyo paki-pasadahan mo ang malaking parking lot diyan sa harapan ng GSIS building sa may reclamation area, Pasay City at diyan mo makikita ang mga nakaparadang SUV. Gumagamit ang mga ito ng Two Way Radio sa pag-operate ng kanilang pamasada sa Airport. Abangan!

BLACK NAZARENE

CALLING CHAIRMAN GINEZ SIR

CENTENNIAL TERMINALS

COMMISSIONER JOHN SEVILLA

DAHIL

FRANCIS TOLENTINO

METRO MANILA

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with