^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ayusin muna ang MRT bago magtaas ng pasahe

Pilipino Star Ngayon

SA Enero 4, 2015 ay magtataas ng pasahe ang Metro Rail Transit (MRT). Ayon sa report 50 hanggang 87 porsiyento ang itataas sa pamasahe. Nasaan naman ang konsensiya rito? Bubulagain ang publiko sa mataas na pamasahe pero wala namang­ ibibigay na pagbabago o husay sa serbisyo. Wala namang problema kung magtaas ng pasahe ang MRT pero sana naman, maging fair management. May katumbas ba ang pagtataas?

Depektibo na ang mga train ng MRT. Ma­dalas nang magkaroon ng aberya. Ilang taon nang nagtitiis ang mga pasahero sa pagsakay sa MRT. Wala lang pagpilian kaya tinitiis na lang ang mahabang pila, pagtirik habang nasa kalagitnaan ng biyahe, pag-usok ng bagon, pagkalas ng bagon at pabigla-biglang pagpreno ng operator. Ang matindi ay ang nangyari noong Agosto nang sumalpok at lumampas sa barrier ang tren ng MRT sa EDSA-Taft Station. Sa lakas ng impact, 36 na pasahero ang nasugatan. Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, human error o kapabayaan ng drayber ng MRT ang nakitang dahilan nang paglampas sa barrier.

Nakakabahala na ang mga nangyayari sa MRT at mahuhulaang hindi na sumasailalim sa regular maintenance ang mga tren. Nakikita rin na tila walang kakayahan ang mga drayber ng MRT sa pagpapatakbo o wala na silang pakialam kung sumadsad o bumangga ito. Ilang taon na ang nakararaan, nagkabanggaan ang dalawang tren sa North Edsa sapagkat nagti-text umano ang drayber ng isang train at hindi napansin ang kasalubong na train.

Ang MRT ang may pinakamaraming pasahero araw-araw. Tinatayang 500,000 ang sumasakay dito. Tinitiis nila ang mahabang pila makasakay lang sapagkat ito lamang ang transport system na mabilis makarating sa paroroonan. Mas maganda pa ring sumakay dito kaysa mga bus na natatrapik sa EDSA.

Walang problema sa MRT commuters kung magtaas ng pasahe pero sana naman, pagbutihin ang serbisyo. Huwag isubo ang buhay ng mga pasahero sa kapahamakan. Bago magtaas, siguruhin muna ang kaligtasan at wala nang mahabang pila para lamang makasakay. Nararapat nang mabago ang MRT.

AGOSTO

AYON

ILANG

METRO RAIL TRANSIT

MRT

NORTH EDSA

TAFT STATION

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with