Nasaan ang tren?
Colorum bus, jeepneys kapag nahuhuli
ang multa ay milyon lagot si kumpadre;
Drivers at conductors ang ngayon ay api
pampasada nila ay nakagarahe!
Ito’y kasalanan ng bus, jeep operators
ang sasakyan nila maraming colorum;
Gobyerno’y naghigpit dinarakip ngayon
mga nagbibiyahe sa lunsod at nayon
At para sa ating mga mamamayan
ang sistemang ito ay tama nga lamang
Dapat na magdusa mga makasalanang
na bus operators sobra na ang yaman!
Matagal na ngayon sa pitak na ito
mga colorum bus pinupuna rito;
Sila’y palagi nang kampante sa gusto’t
pagbyahe ng tren kinukontra nito!
Sila’y naglalagay sa mga opisyal
ng ating gobyernong yumaman sa lagay
Pagtakbo ng tren ay napipigilan
upang transport nila ang tumakbo lamang!
Dahil sa maraming bus na pumapasada
gayong mga ito ay colorum pala;
Ang lahat ng kalye sa Metro Manila
lubhang nagsisikip tao’y nagdurusa!
Ang aring PNR kung pauunlarin
ang mga lansangan ay magluluwag rin;
masarap na sakyan maayos na tren
ng mga employees at mga students!
At kung ang PNR ay mapagaganda
mga mamamayan tiyak matutuwa;
MRT, LRT makatutulong pa
kung ito’y ayos din at hindi wasak na!
- Latest