^

PSN Opinyon

Preparado

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATINDI ang pinakitang kahandaan ng Aquino admi-nistration sa Bagyong Ruby. Ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay tulong-tulong at kanya-kanyang diskarte sa paglilikas at pagbibigay ng ayuda sa mga residente sa Eastern Visayas, Western Visayas, Region-7 dahil ngayon pa lang nila maipakikita sa madlang people ang kanilang pagkukulang nang salantain ng Bagyong Yolanda noong November 8, 2013. Siyempre naka-full coverage at malawak ang media exposure nila. Dito ipinakita ni DILG Sec. Mar Roxas ang kanyang bangis sa mga local official at local government units bilang pagtalima sa kautusan ni Pres. Noynoy Aquino na zero casualties sa hagupit ni Ruby. Nagtaas pa nga ng boses si Roxas sa pulong ng NDRRMC dahil ang kailangan niya ay tamang bilang ng evacuees sa bawat evacution center,  hindi ang porsyento ng kabuuang bilang ng population ng bayan-bayan na tatamaan ni Ruby.

May katuwiran dito si Roxas dahil hindi naman election ang pinag-uusapan na may dagdag bawas sa bila­ngan. Di ba mga suki, hehehe! Kasi nga sa kasaluku-yan hindi pa nabubura sa isipan niya nang umulan ang reklamo sa DSWD hinggil sa kung saan napunta ang bilyon-bilyong ayuda ng mga foreign communities.  Ewan ko kung maipapaliwanag na iyan ni Sec. Dinky Soliman sa madlang people.  Sa katunayan nangangalumata pa si Roxas sa hindi pagkakatulog matapos na walang humpay na lumagari sa mga lalawigan upang personal na imonitor ang kaganapan sa hagupit ni Ruby. Mukhang magandang exposure ito kay Roxas sa nalalapit na 2016 election mga suki! Dahil ngayon palang ay ipinamamalas na niya ang tunay na malasakit sa mga naghihikahos na kababayan.

Ngunit may nasilip ang ilang mga usisero sa mga proyekto na ginastusan ng Aquino administration at ng DSWD matapos na manalasa si Ruby sa Tacloban. Lumabas kasi ang mga off standard project katulad na lamang sa bunk houses at Tacloban airport na inilipad ang mga bubungan at tinuklap ang mga kisame. Malinaw na nasayang lamang ang milyon-milyon datung sa patatayo at pagkumpuni ng mga ito. Tiyak na babatikusin na naman tayo ng mga foreign observer at maging sa mga residente ng Tacloban sa  hinaharap. Di ba mga suki? Ewan ko lang kung anu-ano na naman ang magiging palusot nila upang bumango sa madlang people, hehehe! Sa kasalukuyan handang-handa naman ang lalawigan ng Albay kay Ruby dahil nakatindig sa lahat nang oras si Governor Joey Salceda.

Ginampanan niya ang lahat nang kaparaanan upang mailigtas ang mga Bicolanos sa banta ng pagragasa ng lahar mula sa ituktok ng Mayon Volcano dahil may experience na siya nang tabunan ng malalaking bato at putik ang kanyang lalawigan nang manalanta ang bagyong Reming noong 2007. At habang humahagupit pa si Ruby sa  Sorsogon, Mindoro, Roblom, Quezon province. Laguna, Batangas, Cavite at Metro Manila, nakahanda naman ang mga local official, AFP, PNP at MMDA sa daluyong. At sa katunayan maraming barangay sa tabing dagat at tabing ilog  ang idineklarang no mans land upang maiwasan ang store surge. Kaya ang payo ko mga suki, sundin natin ang mga babalang inatas upang maging ligtas sa kapahamakan. Pasalamatan naman natin ang mga opisyales na nagtitiyagang magbantay sa hagupit ni Ruby.

BAGYONG RUBY

BAGYONG YOLANDA

DINKY SOLIMAN

EASTERN VISAYAS

EWAN

GOVERNOR JOEY SALCEDA

ROXAS

RUBY

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with