Kakain ng binlid?
Talagang ang ating gobyerno sa ngayon
kaladkad ang bansa tungo sa korapsyon;
gumawa ng budget na maraming trilyon
upang ang kakampi’y wagi sa eleksiyon?
Ang budget na ito’y tiyak mapupunta
sa bulsa ng mga kaalyado nila;
mga nasa LP ang magpapasasa
sa mga proyektong bayan ang kawawa?
Mga kongresista at mga senador
may pork barrel uli sa kanilang sektor
kaya ang kawawa ay tayong electors
tiyak tatambakan nang malaking suhol?
Nag-iisa lamang saka babae pa
sa malaking budget ay tumutol siya;
Senator Santiago naghayag ng pita
ang malaking budget ay sobra talaga!
Nakita ng Senadora masamang diskarte
sa inaprubahang budget na kay laki;
bawal na ‘pork barrel’ malaki ang parte
tiyak mapupunta sa mga buwitre!
Kaya naiisip nitong sambayanan
ang PDAF at DAP lilitaw na naman
kaya lang posibleng sa ibang pangalan -
at ang ‘cash sa mahirap’ ibubulsa na lang?
Maraming buwitreng kasama si P-Noy
na ayaw alisin sa mga posisyon;
sila’y nagpayaman nariyan pa ngayon
kaya imposibleng LP’y makabangon!
Pero kung ang tao ay talagang manhid -
walang pagbabagong tayo’y makakamit;
pumapayag silang tayo’y manlimahid
mga anak natin kakain ng binlid!
- Latest