^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Nakalilitong sistema ng MMDA sa kalye

Pilipino Star Ngayon

KUNG maayos sana ang sistema ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagdi-direct ng trapik, hindi na magkakaroon ng kaguluhan ang enforcers at ang motorista. Pero dahil lahat nang traffic enforcers ay may kanya-kanya o sari-sariling agenda sa pagdi-direct ng trapik, dito nagsisimula ang kaguluhan.

Saan ka naman nakakita na mayroon nang traffic light ay mayroon pang nagdi-direct na traffic enforcer. Sinasayang lang ng enforcers ang oras sa kalye gayung mayroon namang traffic signal. At kakatwa ang ginagawa nila na nagtitipon-tipon sa kantong may maayos na traffic light samantalang ayaw asikasuhin ang pagmamando ng traffic sa mga may depektibong ilaw. Kung saan yung may sira, ayaw nilang ayusin at doon sila sa may maaayos na traffic. At eto pa, kapag maganda ang panahon, tipun-tipon sila o pulu-pulutong sa maayos na intersection pero kapag umulan at nagsimula nang magbuhul-buhol ang trapiko, iniiwan na nila ito. Bahala kayo sa buhay n’yo.

Nakalilito ang kanilang sistema sa pagdi-direct ng trapik at ito ang maaaring dahilan kaya  may mga kaguluhan. Kagaya ng nangyaring isyu sa traffic enforcer na si Jorbe Adriatico na sinapak umano ng motoristang si Joseph Russel Ingco. Tinamaan si Jorbe sa ilong. Hanggang ngayon, iniimbestigahan pa ang kaso. Wala pang linaw kung sino ang may kasalanan sa dalawa.

Kung maayos ang sistema ng MMDA, wala sanang sapakan. Kung may maayos na pamamahala, hindi na kailangang lapitan pa ng enforcer ang nagkama-ling motorista para ipaalam na nagkamali siya. Ang magpapatunay ay ang mga CCTV na dapat ay naka-install sa mga intersection. Pero dahil il-equipped ang MMDA, walang ganito kaya nagkakaroon ng pagkakataon ang mga enforcer na lumapit at magkuha mismo ng video sa nagkamaling motorista. Pero sa ganitong paraan, tila may nilalabag ang enforcer sa karapatan ng motorista. Hindi dapat ganito. Ang CCTV ang magpapatunay na mali ang driver at hindi ang kumuhang enforcer. Kapag nakunan ng video, irereport na lang ito sa LTO at sila na bahalang kumastigo sa drayber kapag nagrenew ng lisensiya o ng registration ng sasakyan. Wala silang kawala. Hindi ba puwedeng gawin ito para wala nang sapakan.

BAHALA

ENFORCER

HANGGANG

JORBE

JORBE ADRIATICO

JOSEPH RUSSEL INGCO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PERO

TRAFFIC

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with