^

PSN Opinyon

‘Kinatay ng Cathay (?)’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

HALAGANG USD 376 na kanilang ibabalik para sa sobrang naba­yad sa dalawang business class tickets na na-‘down grade’ sa economy class. Para pampalubag loob pa sa pagtangkilik ng pasaherong ito sa isang ‘airlines’, inaalok pa siya ng Cathay ng one (1) certificate for one (1) class, one  (1)-sector complimentary upgrade para sa flight na pinamamahalaan ng CX batay sa ‘seat availability’ sa oras ng check-in at ito’y balido sa loob ng isang taon. 

Ganito lang ang naging simpleng tugon ng bigating airlines sa perwisyong inabot ng ‘businessman’ na si Antonio Cabangon-Chua. Matapos magpa-book online sa Cathay Pacific Airways sa ‘business class flight’ bigla na lang itong na-‘downgrade’ sa economy class. 

Mas lalo siyang naiinis. Hindi naman pera ang ipinaglalaban niya kundi ang uri ng pagtrato sa kapwa nating mga Pilipino nitong Cathay Pacific.

Nanindigan si Mr. Cabangon-Chua na ang ganitong uri ng gawaing ipinapatutupad ng Cathay Pacific ay dapat matuldukan agad.

Dahil sa naranasang diskriminasyon at insulto sa Cathay Pacific, diniretso ng kanyang abogado ang reklamo kay Atty. Wyrlou E. Samodio ang Head ng Legal Division ng CIVIL AERONAUTICS BOARD nung Ika-20 ng Oktubre 2014. Nilinaw ng abogado niya ang paglabag Cathay Pacific sa DOTC-DTI Administrative Order No. 01 Series of 2012 o The Bill of Rights for Air Passenger and Carrier Obligations.           

Una sa lahat ang hindi pagiging tapat ng Cathay Pacific sa pakikitungo sa kanilang mga pasahero. Nung kumpirmahin niya ang pag-downgrade ng kanyang business class tickets sa “Premium Economy”, sinabi ng representante sa Check-in counter na ang nakatalagang eroplano para sa kanila ay walang business class section. Hindi nila agad sinabi ito nung ipa-book ang flight kaya’t hindi na nabigyan ng pagkakataon na pumili ng ibang flight o ibang airline. Maliwanag na nagkaroon ng misrepresentation ang Cathay Pacific.

Hindi rin daw totoo ang sinabi ng Cathay Pacific na pinalilipat siya sa business class ng hindi nakarating sa flight ang ilan sa mga Marco Polo members na kanilang binigyang priyoridad.

Ito ay malinaw na kasinungalingan, tanging pagtangi lamang at diretsong sumasalungat sa unang naging pahayag ng kanilang ‘ground personel’ na ang eroplanong nakatalaga ay walang business class. Higit pa rito, siya ay isang miyembro ng Marco Polo at walang ganitong alok sa kanya.

Pinarating din ng abogado niya sa Civil Aeronautics Board ang naranasang diskriminasyon sa VIP Lounge ng Cathay Pacific. Sa nasabing pahingahan, may special lounge para sa mga foreigners habang ang ating kababayan ay nanatili langsa kabilang lounge. Malinaw at hindi maitatanggi na ito’y diskrimansyon sa ating mga Pinoy na nangyayari mismo sa ating bansa.

Maging ang pagpapirma ng Quit Claim at Waiver’ na hindi man lang sinasabi sa kanila at pinalabas na ang P3,000 ibibigay ay isa lamang partial payment ay malinaw na pang-iinsulto. Kailangan itigil ang mapanlinlang na gawing ito ng Cathay para makatakas lang sa kanilang responsibiladad sa mali nilang pangangasiwa sa mga pasahero.

Ika- 22 ng Oktubre 2014, sumulat ang abogado ni Mr. Cabangon-Chua ng FINAL DEMAND sa Cathay Pacific---naka adres sa kanilang Country Manager na si Mr.Alan Lui. Nanindigan si Ambassador  na ibalik sa kanya ang tamang halagang dapat na mai-refund sa una niyang nabayad. 

Sa napag-alaman niya mismo mula sa taga Cathay Pacific na wala ngang business class sa nasabing flight at ito’y economic class. Malinaw na tinatawag nilang “Premium Economy” na termino ay para palaba­sing espesyal ang simpleng economy class seat.

Sabihin mang hindi siya miyembro ng Marco Polo, hindi parehas ang naging aksyon ninyo na unahin ang mga nasabing pasahero kesa sa kanya gayung meron na siyang kompirmadong tickets. Ito’y paglabag sa kontrata sa pagitan ng inyong airline at pasahero.

Kung totoo ring naipaliwanag nila ng maayos ang pangyayari at ginawa nila ng paraan na mailipat sa business class ang negosyanteng ito, sa edad niyang 80 anyos mas pipiliin niyang umupo sa isang business class seat at lumipat na lang dun dahil na rin sa magandang amenities na ibinibigay sa dito.

Habang papunta siya sa Hong Kong at nakaupo sa economy class binigyan lang siya ng dalawang pirasong tinapay ma hindi niya nakain. Dahil sa mahabang biyahe at hindi sapat na pagkain nakaranas siya ng labis na pagkagutom at halos bumaba ang ‘sugar count’ niya na lubhang mapanganib.

Muling sumagot ang abogado ng Cathay Pacific Airway, ang Siguion Reyna Montecillo & Ongsiako Law Offices nung ika-31 ng Oktubre, pirmado ito ni Atty. Mario V. Andres at Atty. Carlos M. Natividad.

Base sa sulat, natanggap nila ang Final Demand subalit hindi nila agad ito marereplayan sa loob ng sampung araw o bago dumating ang ika-03 ng Nobyembre 2014, dahil sa paparating na holiday.

Kailangan din daw nilang pag-aralan ang bagong tinaas alegasyon sa nasabing sulat. Kailangan daw nila ng mas mahabang panahon.

Sa huling ulat, nung ika-11 ng Nobyembre 2014 sumulat na si Atty. Samodio ng Civil Aeronautics Board kay Atty. Natividad, counsel ng Cathay Pacific Airways kaugnay sa pinarating na reklamo sa kanila. Hiniling sa kanila na magsumite ng sagot o komento ukol dito sa loob ng limang araw para maging batayan nila sa kanilang dapat gawin.

SA AMIN AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ngayong Desyembre  maraming uuwi na mga Overseas Filipino Workers (OFW’s), karamihan sa kanila sasakay sa eroplano.

Kapag pagbabago ang hinihingi natin para tratuhin tayo ng parehas at tama tulad ng mga ginawa nila sa mga banyaga, padama natin sa kanila ang ating disgusto sa kanilang pamamalakad.

May mga ibang airlines din naman na pwede nating tangkilikin unang-una ang Philippine Airlines, Cebu Pacific, o Qatar Airways at para naman maramdaman nila ‘kahit kurot man lang’ tumangkilik tayo ng ‘airlines corporation’ iwasan na natin itong Cathay Pacific.

Kung hindi tayo importante para sa kanila, maaari rin nating ipakita na di rin sila importante para sa atin.

Tayong mga Pilipino ay dapat magbuklod-buklod para mapakita natin sa buong mundo na hindi tayo papayag na tapak-tapak lamang.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.               

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

CATHAY

CATHAY PACIFIC

PACIFIC

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with