^

PSN Opinyon

LGU’s concern sa mga dupang

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA ang plano ng ilang local government sa Metro - Manila na bigyan nang pagkakataon ang mga ‘drug dependent’ na umasenso at tulungan sila para hindi na balikan o muling maghamon este mali magumon pala sa kanilang pag-adik, adik na bisyo!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang illegal drugs ay isa sa pinakasalot na nahiligan at ginawang bisyo ng mga drug dependent at ito ang sinamantala ng mga sindikato ng droga sa Philippines my Philippines para sirain ang ulo at gawing ulol ang mga gumagamit nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos lahat na nangyayaring krimen sa Philippines my Philippines ay sangkot ang mga gumagamit ng illegal drugs.

‘Ano ang dapat gawin sa kanila?’ tanong ng kuwa­gong tinakbuhan.

Sagot - sa malamya pa lang ang tama dapat ipasok sa rehabilitation at baka magbago pa.’

Tanong - yong mga may sayad?

Sagot - siguro puede na silang ilibing? Hehehe.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Kyusi ay pinangunahan ni Vice Mayor Joy Belmonte na pag-isahin o magkapit-bisig ang mga tagarito para maiwasan ang paglaganap ng droga.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas binibigyan ng prioridad ang mga kabataan may edad 12 up to 25 years old na maging abala sa sports, pagtulong sa kapaligiran, pag-aaral at ang higit sa lahat ay malaman nila ang tunay na batas, kanilang mga karapatan na puedeng gawin nila para makatulong sa pagsugpo ng illegal drugs sa Kyusi.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mabigat labanan ang mga sindikato ng droga dahil maimpluwensiya, maraming salapi, matindi ang padrino at mga pumapatong sa droga.

Dapat din ang mga sasailalim sa training ang siya mismong magbibigay kaalaman sa mga komunidad kung ano ang batas hinggil dito at tuloy maprotektahan ang iba pang mamamayan laban sa illegal drugs.

Sa ngayon ang QC ay isa na sa mga local government units sa Metro Manila na kaanib ng proyekto ng DDB kontra droga.

Kambiyo issue, may plano pala ngayon ang Caloocan City Anti-Drug Abuse Council na mabigyan ng trabaho o sariling negosyo ang mga dating drug users sa lungsod na sumailalim sa “drug rehabilitation” upang tuluyang mailayo umano ang mga ito sa impluwensya ng sindikato.

‘Maganda ang plano sana maging totoo.” sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

Abangan.

 

Happy Birthday Omb Director Beda Epres

Naging ang kaarawan ni Kuyang Beda kagabi dahil sa dami ng visitors.

Sabi nga, umaapaw!!!

Marami ang natuwa dahil ang handa nitong inilatag sa mga Masons na kasamahan niya ay mga pampalibog este mali exotic food pala.

Dahil sa mga masasarap na kinain hindi inalintana ng mga Kuyang ang magbalot at mag-uwi ng inihanda ni Kuyang Beda.

Anyway, Very Worshipful Sir Happy Birthday at Mabuhay ka!

vuukle comment

DRUG ABUSE COUNCIL

HAPPY BIRTHDAY OMB DIRECTOR BEDA EPRES

KUYANG BEDA

KYUSI

METRO MANILA

SABI

SAGOT

VERY WORSHIPFUL SIR HAPPY BIRTHDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with