^

PSN Opinyon

Panahon na talaga

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA tingin ko ay panahon na para lahat ng numero ng cell phone ay nakarehistro sa NTC at ano pang kinauukulang ahensiya. Kailangan may pangalan na at ano pang impormasyon ang lahat ng numero ng cellphone – sino ang may-ari, saan nakatira. Laganap na ang mga “text scams” kung saan nanloloko ang mga kawatan sa pamamagitan ng mga pekeng mensahe. Mga nagpapa-text ng impormasyon, nagkamali umanong pinadalhan ng load kaya dapat ibalik, mga humihingi ng load na kamag-anak umano, mga pekeng balita na nakakasama sa sambayanan at iba pa. Kapag mahina ka at hindi mo inisip na panloloko na ang natatanggap mong text, mawawalan ka na lang ng pera, o mas masama, magiging biktima ng marahas na krimen, o kikilos ka dahil may pinaniwalaan kang maling impormasyon. Ang pagrehistro ng lahat ng numero, ma-ging pre- o post-paid, ang pinakamagandang panlaban sa mga ganitong kriminal na aktibidad.

Pati ang pagkalat ng maling impormasyon ay mababawasan, kung hindi mapipigilan, kung may impormasyon na ang lahat ng numero. Kailan lang ay may nagkalat ng pekeng mensahe hinggil sa Ebola sa bansa. May mga naniwala at nangamba. Kailangang maglabas ng pahayag ang gobyerno na ang kumakalat na text ay hindi totoo. Ayon sa mga otoridad, peke ang impormasyon, kaya pinaghahanap na ang nagpasimuno ng text. Mas madali sanang hanapin ang mga iyan kung naka-rehistro na ang lahat ng numero. Kaya naman matatapang ang mga iyan ay dahil wala namang impormasyon ukol sa kanila. Nagtatago sa likod ng cell phone.

Hindi ko nga alam kung bakit may pagtutol sa pagrehistro ng mga cell phone. Lahat ng landline ay naka-rehistro naman, kaya bakit hindi na rin sa cell phone? Dahil nagagamit na sa krimen ang cellphone, dapat may paraan para malaman kung sino ang nasa likod ng mga ito. Nagiging hi-tech na rin ang mga kriminal – nakawan sa ATM, pag-hack ng mga laptop, pati telepono, at pagbingwit ng mga pwedeng maging biktima gamit lang ang text tulad ng “dugo-dugo”. Dapat mas nauuna ang mga panlaban sa krimen, hindi sila ang nauuna, pero tila ito ang nangyayari. Kung handa ang lahat laban sa krimen, hindi magiging madali para sa mga kriminal.

AYON

DAHIL

DAPAT

EBOLA

IMPORMASYON

KUNG

LAHAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with