^

PSN Opinyon

Sakit sa puso at OFWs

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

SA ibang bansa, may isang taxi driver kaming nakausap. Ang sabi niya ay “Are you Filipino?” Oo, sabi namin. Tapos nagkuwento na siya na Pilipina raw ang asawa niya. Ang Pinay daw ay mahilig makipag-tsismisan sa Central Market tuwing linggo. Sabi pa niya, mahilig daw magbasa ang Pinay ng tabloids para sa mga tsismis at balita.

Isa pang napansin ko sa abroad ay maraming OFW ang mukhang pagod at malungkot. Siguro malayo sa bansa, sa pamilya, at sa mahal sa buhay.

Ang mapapayo ko lang sa ating mga OFW’s ay dapat palakasin ang loob. Ito’y dahil hindi mabuti sa kalusugan ang laging malungkot.

Ano ang Broken Heart Syndrome?

Alam n’yo ba na may bagong sakit na nadiskubre? Ito’y tinatawag na “Broken Heart Syndrome” kung saan ang matinding kalungkutan o problema sa buhay ay maaaring magdulot ng panghihina ng puso.

Nalaman sa Mayo Clinic na kadalasan ay babae sa edad 40 pataas ang tinatamaan ng sakit. Ang sintomas ay pananakit ng dibdib na parang inaatake sa puso. Pero may magandang balita naman. Ayon din sa Mayo Clinic, karamihan sa pasyente ay nanunumbalik sa dating lakas pagkaraan ng apat na buwan. Ang ibig sabihin siguro ay kahit nasusugatan ang puso ng babae, ay may pag-asa pa itong maghilom.

Kaya sa mga kababayan dito at sa abroad, huwag mas­yadong malungkot. Okay lang iyan. Iyan kasi ang binigay sa atin ng Diyos. Siguro may plano Siya. Pagplanuhan at gawin ng mabuti ang trabaho. May liwanag din sa dulo ng pagsisikap. God bless po!

vuukle comment

ALAM

ANG PINAY

ANO

AYON

BROKEN HEART SYNDROME

CENTRAL MARKET

MAYO CLINIC

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with