^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hanggang saan ang bagsik ng COA?

Pilipino Star Ngayon

MARAMING natutuklasang anomalya sa kasalukuyan at lahat ay kaugnayan sa pera. Hindi kakaunti ang sangkot na pera kundi limpak-limpak na umaabot sa bilyong piso. Lahat nang mga iniimbestigahang anomalya ngayon, mapa-Senado o mapa-Ombudsman ay pawang pera ang ugat. Napakamakapangyarihan ng pera na kayang yanigin ang sambayanan.

At kapag paglustay ng pera ng bayan ang iniim-bestigahan sa Senado, tiyak na laging kasama sa mga tatanungin at pagpapaliwanagin ang Commission on Audit (COA). Hindi maaaring iitsa puwera ang COA sapagkat sa kanila nagdadaan ang mga pagkakagastusan at lahat nang ginastos. Sila ang bubusisi. Kapag pumalpak ang COA sa kanilang trabaho, sila man ay mahaharap sa pag-uusig at dapat magpaliwanag.

Sa kasalukuyan, 30 government-owned and controlled corporations (GOCCs) ang kinukuwestiyon dahil sa hindi awtorisadong pamumudmod ng bonuses at iba pang benepisyo na nagkakahalaga ng P1.6 billion.

Inatasan ng COA ang 30 GOCCs na ibalik sa national treasury ang bilyones na unlawfully ay ipinamahagi sa kanilang mga opisyales at empleado. Ayon sa COA, kabilang sa GOCCs na namahagi ng bonus at retirement benefits ay ang Housing agency na pinamumunuan ni Binay. Ayon sa COA, namahagi ang Home Development Mutual Fund (HDMF) ng P130,375 million sa kanilang mga empleado bilang allowances, bonus, benefits, incentives sa kabila na walang legal basis. Ayon sa COA, dapat isauli ito ng HDMF.

Wala rin daw approval ng Presidente ang pag­bibigay ng retirement benefits ng GOCCs sa ka­ni­lang mga tauhan.

Ilan pa sa GOCCs na inaatasang ibalik sa treasury ang pera ay ang Local Water Utilities Adminis­tration, Duty Free Philippines, National Housing Authority, Overseas Workers and Welfare Administration at iba pa.

Nararapat lamang ibalik ng GOCCs ang pera na hindi naman awtorisadong ipamudmod sa mga empleado. Unfair ito sa iba pang taong gobyerno na matagal nang humihiling ng dagdag na suweldo pero hindi pinapansin. Tayngang kawali. Tapos ay ito at nabulgar na bilyones ang ibinigay ng GOCCs sa kanilang nasasakupan. Sa pagkakataong ito makikita ang bagsik ng COA.

 

AYON

COA

DUTY FREE PHILIPPINES

GOCCS

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

LOCAL WATER UTILITIES ADMINIS

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

OVERSEAS WORKERS AND WELFARE ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with