^

PSN Opinyon

‘VIP sa lansangan’

BAHALA SI BITAG - v - Pilipino Star Ngayon

HINDI na bagong tanawin sa lansangan ang mga malala­king sports utility vehicle (SUV) na binubuntutan ng isa pang sasakyan o backup partikular sa kalakhang Maynila.

Sila ang mga indibidwal na kung tawagin ay “very important person” o VIP dahil kritikal ang kanilang katayuan at nanganganib ang buhay.

Maaaring may ginagampanan silang mahalagang papel sa lipunan, may mataas na katungkulan sa bansa tulad ng pangulo at mga matitinong hukom, maaari namang kawani ng media na hindi nakikipagkompromiso at bumabangga ng mga tiwali o ‘di naman kaya mga responsableng negosyante.

Ikinukunsidera nila ang kanilang mga sarili na “high risk” kaya laging may nakabuntot na security-escort na talagang makikipagpatayan anumang oras na magkaroon ng engkwentro.

Iba naman ‘yung mga nag-e-escort-escort lang kun­wari dahil mga kurakot at magnanakaw. Takot na makuyog ng taumbayan kaya dinideklara nilang VIP sila.

Subalit, may ilang mga umaabuso sa prebilehiyong ito. Inaakala na ang pagiging VIP ay isang karapatan na kung umasta sa lansangan, aakalain mong pag-aari nila ang kanilang dinadaanan.

Nakakagalit. Dahil para sa kanila hindi maaaring humarang, dumikit, bumuntot o makipagsabayan man lang sa kanila ang sinuman.

Kamakailan, naging laman ng balita ang “road rage” na kinasangkutan nina Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bulacan at ng kaniyang inang si Mrs. Priscilla Meneses.

Natukoy na pag-aari nila ang mga sasakyan subalit sa inisyal na mga balitang lumabas, itinanggi pa muna ito ng kanilang kampo. Pero sa kalaunan, inamin din ni Mrs. Meneses na pag-aari nila ang dalawang SUV.

Nangyari ang insidente sa Quezon City kung saan ang nadehado mataas ang katungkulan sa University of the Philippines at asawa ng publisher ng isang malaking broadsheet.

Sa anumang kadahilanan, nagkagitgitan ang kanilang mga sasakyan kung kaya’t bumaba umano ang drayber ni Meneses at nanutok pa daw ng baril.

Ang masaklap pa, sa halip na kastiguhin ng mga Meneses ang kanilang mga security escort, sinabi ni Mrs. Meneses na hindi daw sakay ng SUV ang kaniyang anak nang maganap ang “road rage.”

Bukod dito, mayroon din daw inaaalagaang reputasyon si Partrick at hindi daw siya nang-aabuso ng kapangyarihan.

Sa madaling sabi, ayaw nilang akuin ang responsibilidad sa ginawa ng kung sinumang talpulamno nilang security driver.

Ang punto dito, ang isang maituturing na VIP, nirerespeto ang lansangan. Hindi kinakailangang mang-abuso, manakot at magsiga-sigaan para lang makadaan.

Bagkus, naiintindihan at nauunawaan niya ang kaniyang papel at responsibilidad. Maayos ang asal at pag-uugali at nagbibigay-kortesiya sa mga kapwa motoristang nakakasabay sa lansangan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

BAGKUS

MAYOR PATRICK MENESES

MENESES

MRS. MENESES

MRS. PRISCILLA MENESES

QUEZON CITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with