‘Natural na Pampagaling’
ARAW ng mga patay, undas, sa araw na ito inaalala natin ang mga mahal sa buhay na namayapa na, ang iba rito ay bata pa nang sila ay pumanaw at karamihan sa kanila ay hindi nabigyan ng sapat na gamot at medikal na atensiyon ng dekalidad na doktor. Subalit hindi lahat ng sakit sa mundo ay nalulunasan ng mga gamot na galing sa mga malalaking pharmaceutical companies.
Sa ating kapaligiran may mga luntiang halaman na punong-puno ng mga sangkap na makakapagbigay ng lunas.
Ang dahon ng bayabas, hindi ba’t karamihan sa ating mga binata na dumaan sa pukpok nung sila ay tinuli, ginamit nila ang bayabas upang gamiting pang langgas ng kanilang ari. Nakakatulong ito sa mabilis na pagtuyo at paghilom ng mga sugat.
Ang luya naman ay maaaring makatulong para sa namamagang lalamunan o namamagang parte na ating katawan (anti-inflammatory).
Anong ginagawa ng mga higanteng kumpaniya? Gumawa sila ng mga tabletas tulad ng ‘ginger table’t. Pero wala pa ring tatalo sa tunay na luya na nakukuha sa palengke o sa paligid.
Ang ampalaya na nakakatulong na makapag pababa ng mataas na dugo o hypertension. Ang kangkong, okra at pati na din ang alugbati ay nakakatulong sa kalusugan ng ating katawan.
Masdan ninyo ang mga kababayan natin na nakatira sa probinsiya. Di hamak na masmahaba ang kanilang buhay kumpara sa ating mga nakatira sa siyudad.
Hindi lamang halaman ang pwedeng pagkunan ng makakatulong sa paggaling ng mga karamdaman. Ang ugat kung saan nanggagaling ang mga ito ay masmalaki ang tulong sa pagpapagaling. Mantakin mo pagsama-samahin mo ang 43 iba’t ibang ugat. Kunin mo ang katas nito at iyong inumin araw araw hindi kaya ito masmabilis na makatutulong sa’yo?
Ito ang mga tinatawag na natural medicines o mga medisinang galing sa mga lupang tinubuan. Dito hinugot ni Ka Rey Herrera ang kanyang natuklasang REH King’s herbal na maski ang kaibigang si Ben Tulfo ng Bitag ay napatunayan sa kanyang programa sa telebisyon ang bisa nito.
“Mahirap kumilos, masakit mula bewang ko hanggang paa. Hindi ako makatindig at makalakad nang maayos,”pagsasalarawan ni Paulino Oca, 65 na taong gulang.
Parehong hirap din ang naranasan ni G. Pacifico Dingding na ngayon ay 69 taong gulang. Dati siyang may sakit sa puso, may bara umano ang tatlong ugat nito, may problema rin siya sa lalamunan dahilan ng pagkawala ng boses nito at meron rin siyang bato sa apdo.
Sa patuloy na pagsulpot ng mga herbal medicines, nagiging pangunahing takbuhan na ito ng karamihan dahil bukod sa mas mura ito, ay sinasabing mas-safe ito dahil sa natural na sangkap nito.
Kaya nang mabalitaan ni Paulino at Pacifico ang tungkol sa isang herbal medicine ay agad nilang sinubukan ito.
Sa kalagayan ni Paulino, sa loob umano ng tatlong linggo na pag inom ay nakaramdam na siya ng kaginhawahan.
“Dati hindi ako makakilos nang maayos at hirap na hirap akong maglakad. Pero ngayon nakakaakyat na ako ng hagdan at nakakapunta na ako sa mga nais kong puntahan,” pagbabahagi niya.
Samantala, dalawang buwan naman na tuluyang paggamit nang maramdaman ni Pacifico ang magandang epekto sa kanya ng food supplement na ito.
“Pagkatapos ng dalawang buwan na pag-inom nagpa ultra-sound ako, at base sa resulta, wala na yung bato sa apdo,” kwento ni Pacifico.
Ayon rin sa kanya, sa kasalukuyan nakakapag bisikleta na siya, at yung sakit na lagi niyang nararamdaman sa lalamunan niya ay nawala na rin at nagkaron na siya ng boses.
Taong 1994 nang malaman ni Ka Rey Herrera na siya ay may sakit na lymphoma cancer. Sinabihan na siya ng kanyang doktor na kelangan niyang sumailalim sa chemotherapy ngunit sa kakulangang pinansiyal ay nawalan na siya ng pag-asa dahil bukod doon siya rin ay diabetic at may high blood.
“Umuwi na lamang ako sa San Miguel, Bulacan para maghintay na lamang ng aking kamatayan,” aniya.
Isang araw habang nakahiga sa ilalim ng puno ay napansin niya ang mga kambing na kumakain ng damo.
“Sa lahat ng hayop, ang hindi pinepeste ay ang kambing,” wika niya. Inobserbahan niya ang kambing. Hindi naman pwedeng kainin ang mga kinakain ng mga kambing, kaya naisipan ni Ka Rey na kunin na lamang ang mga ugat nito. Ugat ng talahib, kugon, makahiya at marami pang iba. Nilaga niya ito at ininom. Sa isang buwan na pag-inom niya ay nakaramdam siya ng kaginhawaan. Unti-unti nakakatayo na siya hanggang sa nakalakad muli.
Sa pagbalik ng kanyang dating lakas nagkaron siya ng pagkakataon na siyasatin ang mga ugat na ito. Pinag-aralan at gumawa pa ng marami upang maibahagi sa iba pang may sakit.
Ang food supplement na ito ni Ka Rey Herrera ay tinawag niyang REH King’s Herbal.
Para sa mga nais magtanong sa iba pang detalye tungkol sa REH King’s Herbal maaari niyo silang matawagan sa numerong 225-2025 o magtext sa 09087766666 at 09278888368. Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito maaari po kayong dumalo sa kanilang seminar tuwing Sabado alas-dos ng hapon sa kanilang tanggapan sa #603 R&J bldg., Quirino Highway, Bagbag, Novaliches. Maaari ring bisitahin ang kanilang facebook page i-type lang ang [email protected]. (KINALAP NI I-GIE MALIXI)
****
Nagkaroon ako ng pagkakataong mapanood sa isang private screening ang pelikulang “The Trial” na pinag bibidahan ni John Lloyd Cruz at Sylvia Sanchez.
Pinakita ni Chito Roño ang kanyang galing sa pagdidirek ng pelikula, kung paano niya pinakilos ang lahat ng kanyang mga artista. Si Richard Gomez ay nagmukhang kapani-paniwala bilang isang abogado. Si Gretchen Baretto naman sa kanyang underacting ay lumutang sa mga eksena na dati ang kanyang ginagampanan ay kontrabidang palaging nakasigaw. Si Jessie Mendiola sa kanyang murang edad ay nabigyang buhay ang kanyang papel bilang guro at umanoy’s biktima ng panggagahasa (rape). Isang bukod tanging nangibabaw sa kanyang ginampanan bilang isang tomboy na ina ni John Lloyd ay si Sylvia Sanchez, halos lahat na yata ng mabibigat na linya at eksena sa pelikula ay naipakita niya kung bakit siya ay isang premyadong actress na karapat-dapat na gawaran ng award bilang “Best Supporting Actress”. Hindi ko ikagugulat kung si Sylvia ay muling manonominate at magawarang muli sa mga iba’t ibang award winning bodies sa isang obra na gawa ni Direk Chito Roño.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038 www.facebook.com/tonycalvento
- Latest