^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero

Pilipino Star Ngayon

NOONG Miyerkules, isang bus driver ang nahuling lasing habang naka-duty. Hindi makapagkaila ang bus driver sapagkat ginamitan siya ng breath analyzer nang magsagawa ng random drug test ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Araneta Bus Terminal. Nag-positibo sa traces ng alcohol ang drayber na nang araw na iyon ay bibiyahe pa naman patungong Bicol. Kung hindi natesting ang drayber, lasing siya habang nagda-drive at ma­aaring trahedya ang kahantungan. Maaaring magdayb sa Skyway ang kanyang minamaneho o maaaring sumalpok siya sa kasalubong na sasakyan habang nasa highway sa Laguna o Quezon province na ruta patungong Bicol. Gaano karaming buhay ang masasayang dahil lamang sa kawalang-disiplina ng drayber. Nararapat suspendehin ang bus driver para magkaroon ng aral. Hindi dapat uminom ng alak ang driver na naka-duty, period!

Nararapat lamang na inspeksiyunin o magsagawa ng biglaang drug testing sa mga driver para maiwasan ang malalagim na aksidente. Huwag ding kalimutang inspeksiyunin ang mga bus at baka wala nang preno ay ilalabas pa rin para lamang kumita nang limpak. Sa pagnanasang kumita, hindi na ina­alala ng mga bus company ang kaligtasan ng mga pasahero. May mga bus na dumadayb sa bangin at ang laging katwiran ng mga drayber ay nawalan daw ng preno. Pumalya raw ang preno habang pababa sa bundok ang bus. Sumasailalim ba sa maintenance check-up ang mga bus bago ibiyahe o takbo lang nang takbo at bahala na si Batman?

Isa rin sa madalas masangkot sa aksidente o trahedya ay ang mga barko. Marami nang barko ang lumubog kahit na wala namang sama ng panahon o bagyo. Karaniwang dahilan ay lumubog dahil sa sobra-sobra ang pasahero. Pinapayagang makaalis ng Coast Guard kahit na  bawal ang magsakay nang sobra. Mayroong mga barko na hindi nakalista ang mga pangalan ng pasahero at nakakalusot ang mga ito sa awtoridad. Kapag lumubog na ang barko at marami ang namatay, saka magtuturuan ang may-ari ng barko at Coast Guard. Sa dakong huli, ang mga kawawang pasahero ang talo. Namatayan sila at walang makuhang hustisya.

Dumadagsa na ngayon ang mga pasahero – mapa-bus man o mapa-barko para magtungo sa kanilang probinsiya. Sana tiyakin ang kanilang kaligtasan.

 

vuukle comment

ARANETA BUS TERMINAL

BARKO

BICOL

BUS

COAST GUARD

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANG

NARARAPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with