^

PSN Opinyon

Tama si Einstein

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

SABI ni Albert Einstein, “The world will not be destroyed by those who do evil, but by those who watch them without doing anything.”

Maraming evil doers sa ating lipunan katulad ng mga tiwaling pulitiko na walang pakundangang nagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan.  

Mayroong employers na inaalipusta ang karapatan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng kontraktuwalisasyon na labag sa security of tenure clause ng Saligang Batas.

Pero tama si Einstein, hindi ang evil doers ang tutumba ng mundo o ng ating bansa kung hindi tayong lahat na walang ginagawa habang lantarang naghahasik ng kasamaan ang ilang kasamahan natin sa lipunan.

Ayon sa World Bank, ang massive graft and corruption  sa bansa ang sanhi ng ating joblessness at widespread poverty. Ngunit ano ang ginagawa natin? Hinahalal pa natin ang mga kawatan tuwing election. Ginagawa pa natin silang mga ninong at ninang sa mga kasal. Ang turing natin sa kanila ay mga prinsipe at prinsesa.

Dapat magbago na ang mamamayang Pilipino at isakatuparan ang sinabi ni Einstein. Panahon na para sa  mga jobless, contractual, underemployed, j.o’s, casuals at iba pa na magkaisa at manindigan.

Hinihimok ko ang lahat na sumali  sa  ROSE Movement. Magtext lamang  sa mga sumusunod: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa [email protected] at bisitahin ang Facebook page www.facebook.com/rosemovementph

Mula sa elementarya hangga’t tayo ay tumanda, lagi nating inaawit ang Pambansang Awit na ang ilang titik ay ganito: “Sa manlulupig, hindi ka pasisiil.” Pero bakit natin hinahayaang tayo ay matagal nang sinisiil? At sinabi pa sa Awit: “Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay nang dahil sa iyo.” No way! Matagal na nga tayong inaapi tapos magiging kaligayahan pa ba natin ang mamatay na lang? Hindi ko sinasabi na ang mga nangaapi o sumisiil ang dapat mamatay dahil ang ROSE Movement ay mapayapang kilusan. Walang violence o patayan. Ang gagawin lang natin kapag milyun-milyon na tayo ay bibisitahin natin ang mga hari ng kontraktuwalisasyon at ang mga prinsipe ng katiwalian at isa-isa nating alayan ng mga pulang rosas sabay ang taimtim na pakikiusap na: tama na, tama na, tama na!

AWIT

AYON

NATIN

PAMBANSANG AWIT

PERO

SALIGANG BATAS

WORLD BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with