^

PSN Opinyon

Cayetano suportado sa taas sahod ng mga teacher

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINIDA ng mga kuwago ng ORA MISMO, na itinutulak ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang madalian pagpapatibay sa isang panukalang batas na magbibigay sa mga guro ng mga pampublikong paaralan ng P10,000 additional money na suporta at compensation.

Ayon sa kuento ni Cayetano, ang mga guro ang humuhubog sa mga kabataang pinoy para maging responsableng mamamayan.

Sabi nga, kung ano tayo ngayon ay utang natin sa ating mga guro!

Sa mga kasamahan ko sa Senado, ipakita natin ang ating pasasalamat sa ating mga edukador sa pamamagitan ng pagpasa sa Senate Bill  94,” tirada ni Cayetano na nagmula sa pamilya ng mga guro.

Ginawa ni Cayetano ang panawagan kaugnay ng paggunita sa World Teachers Day last Oktubre 5.

Sa Senate Bill 94 na inakda ni Cayetano, makikinabang dito ang mga public school teachers, locally-funded teachers, Philippine Science High School System teaching and non-teaching personnel, at non-teaching personnel ng DepEd.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, oras na na-approved ang panukala, ang mga titser ay tatanggap ng dagdag na kompensasyong P9,000 na support sa anyo ng allowances at iba pang remuneration mula sa local school board funds, P1,000 allowance para sa medical check-up per year, at bonus para sa unpaid benefits na ipinagkakaloob ng Magna Carta for Public School Teachers.

Ibinandera ni Caye­tano, ang isang pag-aaral ng World Bank na nagsasabing ang mga titser ang pinakamahalagang salik sa mga nagagawa ng mga estudyante.

Sabi nga, ang mas mataas na sueldo ng mga titser ay katumbas ng mas mabu­ting kalidad ng edukasyon.

Ayon kay Cayetano, hindi siya mapapagod sa pagtulak sa kalidad na edukasyon para sa kabataang pinoy.

Ika nga, ang pag-asa ng Philippines my Philippines ay ang ba­gets pero sino ba ang naghahanda sa mga ito hindi ba ang mga guro!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 5 years ago pa ang pinakahuling pagtaas ng sueldo ng mga titser.

Sabi nga, mura pa noon pero mahal na ngayon kaya mahirap ng pagkasyahin ang kanilang kakarampot sa sueldo!

‘May kalahating million titser ang halos nakanganga para antayin ang pagtaas ng kanilang sahod.’ sabi ng kuwagong alipin.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, huwag na nating antayin pang mag-aboard este mali abroad pala ang mga guro at iwan ang mga student sa Philippines my Philippines dahil pagsisisihan natin ito ng habang buhay.

‘Bakit ba ayaw itaas ang sahod ng mga guro?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Kamote, iyan ang itanong mo sa malakanin este mali Malacanang pala.

Abangan.

Si CPNP Purisima at critics

MATAPOS ipakita sa mga media ang sinasabing mala - mansion o villa na haybol ni CPNP Alan Purisima the other day na nakatirik sa 4.7 hectares lupain nito dyan sa Barangay Magpapalayok, San Leonardo, Nueva Ecija, siguro ang madlang people na ngayon ang dapat humugas este mali humusga pala.

Sabi nga, madlang public ang magpasya kung kurap si Purisima!

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, kaliwa’t-kanan ang mga banat ng mga kritiko kay Purisima kaya bugbog sarado ito sa madlang people of the Philippines my Philippines tungkol sa kanyang mga naipundar na ari este ari-arian pala. Hehehe!

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, nakatirik sa malawak na lupain ni Puring na nabili niyang mura noon ay ang guest house, gazzeebo, swimming pool at dirty kitchen.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, wala daw katotohanan na ang halaga ng pinag-uusapan natin ay P30 million o mahigit pa.

‘Isinampal este mali isinampa pala sa Office of the Ombudsman ang kasong inihain laban kay Purisima kaya maganda na rin ito para malaman ang katotohanan kung sino ang nagsasabi ng totoo.’ sabi ng kuwagong nilinlang.

‘Ano ang dapat natin gawin ngayon?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Antayin ang decision making ng Ombudsman sa kasong isinampa.’ sabi ng kuwagong manananggol.

‘Magbibitiw ba si Puring o magbabakasyon habang pinag-aaralan ang kanyang case problem?’ tanong ng kuwagong inapi.

Kamote, hindi ka ba updated ang sabi hindi siya aalis!

Abangan.

ABANGAN

ALAN PURISIMA

AYON

BARANGAY MAGPAPALAYOK

CAYETANO

CRAME

PURISIMA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with