‘Triple-your-money scam’
BINABALAAN ang publiko sa mga taong lumalapit at nag-aalok sa inyo ng instant money.
Kuwidaw! Baka mabiktima kayo ng mga sindikatong nagmamagandang-loob kuno pero ang layunin pala ay manggantso.
Kung ikaw ay sakim at madaling masilaw sa pera, tiyak, wala kang kawala sa kanilang BITAG.
Hindi na bago ang modus na ito. “Double or triple your money scam” ang tawag dito. At ang nasa likod nito, ang Black Money Scam Syndicate.
Isa ito sa mga ilegal na aktibidades na dinala sa Pilipinas ng mga Nigerian. Sila rin ang sinasabing nagturo sa ilang mga Pinoy kung ano at papaano ang hokus-pokus na ito. Matagal nang nag-ooperate sa bansa ang grupong nasa likod ng “triple-your-money scam.”
Sa una, aalukin ka, magiging doble o triple daw ang iyong pera sa loob lamang ng tatlong araw.
Marami na ang nabiktima sa boladas na ito. Target nila ang mga negosyante, mag-aaral at may kakayanang maglabas ng pera paunti-unti habang ikinakasa ang kanilang transaksyon.
Kapag nakakuha na sila ng pera, saka nila aalukin ang biktima. Sa bahay nalang daw mismo nito gawin ang pagsasampol o paggawa ng pera. Estratehiya nila ito para hindi sila pagdudahan.
Dala ang kanilang mga parapernalya, babalutin nila ang bugkos ng papel na kasing-sukat ng pera.
Mabilisan ang kanilang kilos. Ito ay para mapaniwala nila ang kanilang biktima sa kanilang hokus-pokus.
Gamit ang black powder, ilalagay nila ito sa mga papel at babalutin ng masking tape. Para hindi daw maging “hilaw” kailangang hindi daw ito buksan sa loob ng ilang araw.
Ang pobreng biktima na nagsugal ng malaking pera, walang kaalam-alam na na-BITAG nap ala siya ng sindikato.
Sa katapus-tapusan, malalaman nalang niya nadenggoy siya dahil ang mga binalot na papel, taliwas sa inaasahang pera at ipinangako sa kaniya.
Hangga’t mayroong mga desperado at sakim na nag-aasam ng malakihang instant money, marami pa ang mga mabibiktima ng mga salamangkero.
Upang makaiwas at hindi mabiktima, panoorin ang “Magic Money” sa bitagtheoriginal.com click BITAG New Generation.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest