^

PSN Opinyon

Magkalimutan na lang?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG Linggo ang ika-42 anibersaryo ng pagdeklara ni Pres. Ferdinand Marcos ng martial law sa bansa. Dahil na kay Marcos na ang halos lahat ng kapangyarihan na maibi­bigay sa isang presidente, ginawa niya ang lahat para durugin ang mga kalaban niya sa pulitika at mga nagsusulong ng reporma. At kahit higit apat na dekada na ang lumipas, marami ang hindi pa makalimot sa mga kabuktutan, kasamaan at kalupitan na naganap sa panahong iyon. Marami pang mga aktibista ang hanggang ngayon ay hindi pa ma­laman ng kani-kanilang mga kapamilya kung ano ang nangyari sa kanila, bagama’t alam na hindi na talaga makikita. Ma­raming mga masasamang pangyayari ang masakit na naaalala pa ng mga biktimang dumaan sa kamay ng mga berdugo ni Marcos. Sa madaling salita, hindi maganda ang magiging usapan kapag martial law ang pakay, kahit ano pa ang sabihin ng mga gustong baguhin ang kasaysayan ng mga panahong iyon.

Mismong si President Noynoy Aquino ay may mga masasamang alaala hinggil sa martial law. Nasa Boston, Massachusetts siya ngayon, kung saan binigyan siya at ang kanyang pamilya ng proteksyon ng mga kaibigan noong pinatay na ang kanyang amang si Benigno Aquino Jr. Alam na makapangyarihang tao ang diktador at hindi malayong mangyari na masaktan din sila kahit nasa Amerika. Inamin niya na gusto niyang bawian si Marcos at ang kanyang mga alipores para sa ginawa sa kanyang ama. Pero nataon na may ibang plano ang Diyos para sa kanya at ang kanyang ina, na natupad nga.

Pero isang isyu na ayaw mamatay ang muling lumutang. Ang panawagan ng iilan na payagang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani, dahil sundalo ito  noong World War 2. Muling iginiit ng kanyang mga kapamilya at kaalyado na may karapatan siyang malibing sa nasabing libingan. Pero matigas na hindi pa rin ang sagot ni P-Noy. At sa totoo lang, ito rin ang opinyon ng marami. Hindi talaga malimutan ang lahat ng pinagdaanan ng bansa sa mga panahong nasa ilalim ng kapangyarihan ni Marcos. Malalalim at malalaki ang mga peklat na nagsisilbing masamang alaala sa mga panahong iyon. Kung naging bayani man siya noong digmaan, tila nabura na lahat iyon matapos ang dalawang dekadang pamumuno at pandarambong sa bansa.

Rekonsilyasyon ang ginagawang dahilan para payagang ilibing na si Marcos. Pero nagkaroon na ba ng rekonsilyasyon sa pagitan ng pamilyang Marcos at mga naghirap sa ilalim ng kanyang pamumuno? Kahit mabawi pa ang lahat ng nasamsam ng mga Marcos nang sila’y nasa kapangyarihan, hindi pa rin sapat na bayad iyan para sa pamilya ng mga nawala’t naglaho na lang, mga dumaan sa matinding kalupitan na hanggang ngayon ay laman ng kanilang mga bangungot. Mga pinahirapan nang husto ng malupit na militar sa utos ng mga heneral na malapit kay Marcos. Hindi puwede ang magkalimutan na lang.

BENIGNO AQUINO JR. ALAM

FERDINAND MARCOS

KANYANG

MARCOS

NASA BOSTON

PERO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with