^

PSN Opinyon

Bakit susuko na lang?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LIGTAS na ang mga Pilipinong peacekeepers na nagpapatupad ng kapayapaan sa pagitan ng Syria at Israel. Matapos ang pitong oras ng pakikipagpalitan ng putok sa Syrian rebels, nakatakas sila mula sa kampo habang tulog ang kanilang mga katunggali. Una silang inutusan ng Commander ng United Nations Disenegagement Observer Force (UNDOF) na si Gen. Iqbal Singh Singha na kapag nilusob ng mga rebelde, magpalipad ng puting bandera, sumuko sa mga rebeldeng Syrian, ibigay ang mga baril ayon sa demanda ng mga rebelde para pakawalan ang ilang bihag na sundalo mula Fiji.

Sa madaling salita, tila ang gusto ni Gen. Singha ay mga Pilipinong sundalo na lang ang maging bihag ng mga rebelde, at hindi ang mga taga-Fiji. Hindi ito sinundan ng mga Pilipinong sundalo. Wala sa kanilang bokabularyo ang sumuko na lang, lalo na’t labag na rin sa “rules of engagement” ng mga UN peacekeepers. Ayon sa mga patakaran, kapag nalagay sa peligro ay pwedeng lumaban ang mga peacemakers para ipagtanggol ang kanilang sarili. Ito ang kanilang ginawa. 

Pero dahil sa kanilang paglabag umano sa utos ng commander ng UNDOF, may usapin na lumabag sila sa kasunduan ng UN peacekeeping at baka maparusahan. Bilang mga sundalo, kailangan nilang sumunod sa chain of command, ika nga. Pero ayon sa AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang, kalokohan ang utos ng commander dahil tila nakikipag-palitan lamang ng bihag sa mga rebelde. Mas mahalaga ba ang kalayaan at kaligtasan ng mga sundalong taga-Fiji kaysa sa mga Pilipino? Kaya pinili nila ang lumaban, at nang makakita ng pagkakataon, tumakas.

May pormal na reklamo na iaangat ang AFP laban sa commander ng UNDOF. Tandaan na hindi ang mga sundalo ng Syria o Israel ang nakalaban ng mga UN peacekeepers. Mga rebelde ang mga ito, mga kriminal na may koneksyon sa Al Qaeda. Ang tungkulin ng UNDOF ay patuparin ang kasunduan ng kapayapaan sa pagitan ng Syria at Israel. Wala sa kanilang tungkulin ang sumuko sa mga rebelde, mga kriminal. Kung sakaling sumunod sila at isinuko ang kanilang mga armas, siguradong gagamitin lang ng mga rebelde ito para ipagpatuloy ang kanilang iligal na digmaan sa Syria, bukod sa malaking posibilidad na sila na ang bihag. At tandaan na naging bihag na ng mga rebelde ang ilang sundalong Pilipino noong nakaraang taon. Tama lang ang ginawang aksyon ng mga sundalo. Bakit sila susuko nang hindi lumalaban?

 

 

AL QAEDA

CHIEF OF STAFF GEN

GREGORIO PIO CATAPANG

IQBAL SINGH SINGHA

KANILANG

PERO

PILIPINO

PILIPINONG

REBELDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with