^

PSN Opinyon

Opisyal ng gov’t bank kilabot ng mga morena

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang binansagang kilabot ng mga morena ang mataas na opisyal ng isang government bank?

Ayon sa aking bub­wit, happy birthday muna kay Justice Secretary Leila de Lima, Mayor Boyet Agatep ng Lasam, Cagayan, Mr. Jun Nicdao ng Manila Broadcasting Co., Papa Joe Caparas, Helen Remigio ng California, USA at  Franklin Lim ng Toyota Quezon Avenue, QC..

Alam n’yo bang ki­na­tatakutan ngayon ng mga bata at morenang empleada ang isa nilang opisyal na may pagka-manyakis?

Ayon sa aking bub­wit, may mga emple-yada nang umiyak dahil sa kabastusan ng opisyal na ito. Kung may matipuhan kasing empleada si Bossing lalo na ang mga ba-tambatang morenang empleada, ito ay ipatatawag sa kanyang opisina kahit wala namang ipinagagawa.

Kapag nandun  na sa kanyang kuwarto ang ma­gandang empleada, ito ay kinakausap at kung anu-ano na lamang ang tinatanong. At habang nag-uusap, nilalaro ni Sir ang kanyang “Barangay Chairman”.

Nasi-shock na lamang ang mga biktima ni Sir at ‘yung iba ay umiiyak na lang dahil hindi nila akalaing magagawa ito ng opis­yal. Inireklamo na ng mga empleada sa pre-sidente ng banko ang manyakis na opisyal subalit wala namang aksiyon ang top ma-nagement.

Dahil wala namang nang­yayari sa reklamo laban sa manyakis na opis­yal. Gumawa na lamang ng white paper ang mga empleado  at ipinakalat sa buong building ng banko.

Ayon sa aking bub­wit, ang manyakis na opisyal  ng government bank ay may ranggong Senior Asst. Vice President.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY CHAIRMAN

FRANKLIN LIM

HELEN REMIGIO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANILA BROADCASTING CO

MAYOR BOYET AGATEP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with