Junior and Senior Prom sa Makati
SA Senate hearing kamakailan lang tungkol sa P2.7 billion na parking building na pinagawa ni Mayor Jejomar Binay Jr. lumalabas na hindi lang ang parking building ang overpriced kundi pati ang maliliit na birthday cake na ipinapamahagi ni Mayor sa senior citizens ng Makati tuwing birthday nila.
Ang halaga diumano ng cake ay P1,000. Ok lang ito sana kung ang pera ay galing sa bulsa ni Mayor at hindi sa kaban ng bayan ng Makati.
Obvious naman na in aid of re-election ang ginagawa ng mga Binay so dapat personal na gastos nila yun.
Siyempre kung pinadadalhan nila ng mga cake ang libu-libong senior citizens ng Makati, malaking tsansa na ang mga Binay ang ibinoboto ng mga lolo at lola tuwing election.
Hindi malayo na pati ang mga anak at mga apo at iba pang mga botanteng kamag-anak ay boboto rin sa mga Binay.
Kung totoo nga na overpriced ang mga cake, dapat lang na may makulong kung sino man ang may kagagawan niyan. At dapat itigil na yang gimmick na iyan unless sasagutin ng mga Binay ang bayad sa mga cake.
Hindi lamang illegal yan, immoral pa, kasi mangmang lang ang puwedeng paniwalain na walang ulterior motive ang mga Binay sa gimmick na yan.
Si Vice President Jejomar Binay Sr. naman na naturingang pa kuno na Presidential Adviser on OFWs ay sana nakapag-advise man lang kay P-Noy na bigyan niya ng importansya ang mga OFWs sa kanyang SONA.
Kahit pabulong, hindi man lang nabanggit ni P-Noy sa SONA niya ang mga OFWs mula pa noong 2011, 2012, 2013 at 2014.
Dalawa lang ang maaring maging dahilan nito: Walang advice na binibigay si Binay Sr. kay P-Noy o kung meron ay hindi siya pinakikinggan.
Si Binay Jr. ay umamin na may elevator ang bahay niya. Wow naman. Nabanggit ba ni Jr. sa SALN niya ang asset na iyan na hindi bababa sa P2 million? Magkano ba ang suweldo niya bilang dating konsehal at ngayon ay mayor? Kung si Jr. ay may elevator, si Sr, kaya ano ang meron?
- Latest