^

PSN Opinyon

Martsa para sa batas

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NAGTIPUN-TIPON noong Lunes ang mga samahan ng abogadong nais mapabilang sa dumaraming sumisigaw laban sa administrasyon ni P-Noy.  Sa tapat ng Supreme Court nag-assemble – mga alagad ng National Union of People’s Lawyers at iba pa, sa ilalim ng umbrella organization ng mga abogado – ang Integrated Bar of the Philippines (o IBP), at sama-samang nagmartsa patungong Luneta upang makilahok sa Anti-Pork Rally at People’s Initiative laban sa pulitika ng Pork Barrel at DAP.

Naging istorya sa mga network at newspaper media ang pagtindig at pagmartsa ng mga abogado. Hindi tulad ng ibang mga sektor at propesyon sa lipunan, ang mga abogado ay itinuturing na “officers of the Court” kung kaya mas mabigat na pamantayan ang binibigay sa kanilang opinyon. Dahil maasahan silang kikilatis ng usapin nang walang halong emosyon at iuuna lagi ang merito o legalidad ng argumento, laging inaantabayanan ang posisyon ng mga abogado, sa pamamagitan ng kanilang higante at pinagkaisang asosasyon na ang IBP.

Ang usaping Pork Barrel at DAP; ang paghamon ni PNoy sa Judicial Independence dala ng kanyang pagkapikon sa Korte at ang panukalang ibasura ang probisyon ng Saligang Batas para lamang manatili sa Palasyo ay pawang mga legal issues na nangangailangan ng pagsala at paghimay ng argumento sa kamay ng mga abogado. Tanging sa ganitong paraan maiintindihan ng karaniwang tao kung ano ang nakasalalay dito.

Malinaw na hindi sanay ang tao na magmartsa laban sa isang Pangulong kinilala at minahal bilang marangal at matapat na lingkod bayan. Subalit ano man ang pinaniwalaan tungkol kay P-Noy, ang kanyang huling mga binitiwang posisyon ay sadyang taliwas at kontra sa pinaninindigan ng mayorya pagdating sa good governance. Kung kaya – kahit mahirap gawin, ang IBP ay tumitindig kontra sa mga deklarasyon ng Pangulo.

Ang IBP ay itinatag upang ipaglaban ang rule of law, ang prinisipyo na ang batas ay dapat laging manaig. Sino pa mang iniidolo ng madla ang may hawak ng kapangyarihan, oras na ito’y gamitin sa hindi legal at hindi makatiwirang paraan, maasahan ang IBP na itaguyod ang interes ng batas na siya ring interes ng mamamayan.

ANTI-PORK RALLY

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JUDICIAL INDEPENDENCE

NATIONAL UNION OF PEOPLE

P-NOY

PORK BARREL

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with