^

PSN Opinyon

“Gaya-gaya (?)” Unang bahagi

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

 ANG PLAGIARISM ay maling paggugol, pagnanakaw at paglalathala ng salita, ideya o ekspresyon ng ibang may akda bilang pagkatawan sa kanilang orihinal na gawa.

Napag-uusapan ang ganitong usapin at naungkat nang lumutang ang pangalan nina Manny V. Pangilinan at Tito Sotto. Meron ding naakusahan na miembro ng Korte Suprema na nangopya ng desisyon mula sa America.

Nagbitiw ang mahistradong ito bago pa man masimulan ang imbestigasyon laban sa kanya.

Ang sistema ng ating edukasyon ay hinihingi ng ‘dean’ sa bawat guro  ang kanyang syllabus kung saan inilalatag nila ang mga leksyon na ituturo sa buong semestre sa kanilang mga mag-aaral.

Paano kung makatapat ka ng isang guro na sa halip na ibahagi sa ‘yo ang sarili niyang kaalaman at ang gamit ay kinopyang libro ang itinuturo?

“Tinanggal nila ako sa pagtuturo. Ni isang letra o tuldok sa lib­rong yun hindi ko isinulat. Inakusahan nila ako na nag-plagiarize,” wika ni Rey.

Isa sa nakalagay na sumulat ng librong ‘Principles of Human Behavior in Organization’ (PHBO) at ‘The Essential of Strategic Management’ (TESM) ay ang pangalan ni Reynaldo “Rey” Barrera, Assistant Professor ng College of Accountancy ng University of Santo Tomas (UST).

“Wala akong kontribusyon dyan. Ginamit lang ang pangalan ko,” depensa ni Rey.

Unang beses umanong gumawa ng libro ni Dr.  Michael Martin ang umano’y orihinal na sumulat ng nasabing libro. Inilabas daw ito noong Hunyo 2013.

Nang makita ni Rey na nakasulat ang kanyang pangalan sa libro agad niya umanong kinompronta si Dr. Martin.

“Sabi niya bilang respeto raw kaya isinama niya ang pangalan ko. Ako kasi ang susunod na magiging coordinator. Nakalagay din ang pangalan ni Dr. Jovita Laura Abara, ang coordinator ng taong yun,” salaysay ni Rey.

Humingi rin daw ng paumanhin sa kanya si Dr. Martin. Sinabihan din ito ni Rey na gawan ng paraan na matanggal ang kanyang pangalan dahil wala naman siyang partisipasyon sa paggawa ng libro.

Ipinagbili ang nasabing libro sa kanilang unibersidad. Ilang araw ang nakalipas nagsimula nang magreklamo sa presyo ang mga estudyante. “Nagkaroon kami ng pagpupulong. Napag-usapan namin na babaan ang presyo,” ayon kay Rey.

Wala rin daw kinalaman si Rey sa pagbebenta ng libro.

Inakala ni Rey na maaayos na ang kanyang problema sapagkat napagkasunduan nila na papalitan na lang ng pabalat ang libro. Tatanggalin ang kanyang pangalan at tanging pangalan na lang ni Dr. Michael Martin ang ilalagay.

“Sinabihan ko rin siya na gumawa siya ng clearance na nagsasabi na wala naman akong naibahagi sa pagsulat ng mga libro niya. Agad naman niya itong ginawa,” pahayag ni Rey.

Buwan ng Hulyo 2013 nang may mga nagreklamong estudyante na parang kinopya umano ang libro. Para maagapan ang problema ipinabalik nila ang mga libro sa mga bumili at ni-refund nila ito.

“Idinaan na namin ang mga libro sa shredding machine kaso may natanggap kaming anonymous letter na nagsasabing pinagsama-samang plagiarized na artikulo yung nasa libro,” kwento ni Rey.

Nagsimula na silang imbestigahan ng tribunal sa ilalim ng pamumuno ni Dean Minerva Cruz at ng Acting Dean na si Dean Patricia Empleo.

“Nalinis ang pangalan namin kay Dean Cruz kaso lang nag early retirement. Nakatanggap na ako ng dismissal noong May 13, 2014,” ayon kay Rey.

Mula raw nang matanggal siya ay hindi niya pa nakukuha ang kanyang back wages at ilan pang mga benepisyo na maaari niyang matanggap. Hindi rin daw ibinigay sa kanya ang sahod niya mula Abril hanggang ika-walo ng Mayo.

Maliban pa rito sinabi rin ni Rey na may ilang mga libro pa raw na ibinebenta sa UST na plagiarized book. Nagbanggit siya ng ilan sa mga ito bilang patunay.

Nais ni Rey na malinis ang kanyang pangalan dahil giit niya wala siyang kinalaman sa pagsulat ng mga libro. Gusto niya ring makuha ang perang kanyang pinagtrabahuan ng ilang taon sapagkat tanging siya ang inaasahan ng kanyang mga magulang at ng kapatid na may sakit na kanser sa obaryo. Ito ang dahilan ng kanyang paglapit sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Rey.

Sa ibinigay na desisyon mula sa opisina ni Vice Rector Richard Ang ang reklamong kinakaharap nina Rey, Dr. Abara at Dr. Martin ay plagiarism, serious misconduct, violation of UST policies and breach of trust and confidence.

Ayon kina Mr. Mark Lester Toribio at Ms. Cecilia Flores, miyembro ng faculty ng Business Education Cluster ng College of Accountancy. Sa kanilang pagpupulong sinabi umano ni Rey sa mga miyembro na ang gagamiting libro sa dalawang subject na Strategic Management at Human Behavior in Organization ay ang dalawang libro na ang author ay siya, si Dr. Abara at Dr. Martin. Sina Mr. Toribio at Ms. Flores ay kailangan nilang ipagamit ang mga libro sa kanilang mga estudyante.

Nang ikatlong linggo ng Hunyo 2013 nang sabihin nina Rey at Dr. Martin na maaari nang mabili ang mga libro sa mini-library. Sinabi rin daw ni Dr. Martin na ang TESM ay nagkakahalaga ng Php425.00 habang ang PHBO ay Php450.00.

Nakatanggap ng reklamo si Mr. Toribio mula sa kanyang estudyante kaya inimbestigahan niya ito at nakakuha siya ng kopya. Naalarma siya nang malaman niyang malaking parte ng libro ay kinuha sa librong ‘Dess: Strategic Management’ na inilathala ng McGraw Hill Education.

PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag tumawag kami sa UST upang hingin ang kanilang panig tungkol sa mga akusasyon ni Rey sa kanila. Nakausap namin doon si Atty. Alfonso Versoza, legal counsel ng UST.

“Isa si Professor Barrera sa naparusahan dahil gumagamit siya ng Plagiarized book. Kaya siya nagpunta sa inyo dahil na-dismiss siya,” pahayag ni Atty. Versoza.

ABANGAN ang buong pahayag ni Atty. Versoza at kung bakit nila tinanggal bilang Propesor si Rey sa LUNES. EKSLUSIBO dito lang sa PSNgayon.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

DR. MARTIN

KANYANG

LIBRO

NANG

NIYA

PANGALAN

REY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with