^

PSN Opinyon

Heroes

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

SA Lunes ay National Heroes Day. Maraming bayani sa ating kasaysayan. Marami rin tayong bayani sa kasalukuyan. May kanya-kanya tayong pangangahulugan sa katagang hero o bayani. Karaniwan na ay ang taong may tinitingalang kalidad ng katapangan, na hindi magdadalawang isip na tumulong sa kapwa kahit ba ibuwis nito ang panahon, kalusugan o buhay. Sa larangan ng lingkod bayan, ang tinuturing na bayani ay ang mga matagumpay na napangangatawanan ang katungkulan sa harap ng napakabigat na hamon, balakid o panganib sa sarili o sa posisyong hinahawakan.

Sa ganitong pamantayan,  ang isa sa mga bayani ng nakalipas na mga araw ay ang institusyon ng Supreme Court at ang pinuno nitong si Chief Justice Ma. Lourdes P.A. Sereno. Matapos ang nakakapanirang impeachment ni Chief Justice Rene Corona, nakita ang lalim ng sugat sa relasyong Executive-Judiciary at sa reputasyon ng huli sa lipunan. Hindi nakatulong ang pagtulak ni P-Noy kay CJ Sereno, noo’y pinaka-junior sa lahat ng mahistrado, na luksuhin lahat at hawakan ang renda ng institusyon. Subalit matapos iyon, at nang sinundan ni P-Noy ng pag-appoint sa mga mahuhusay na kandidato sa Korte, nanahimik din lahat. Sa katunayan nga ay, sa mata ng tao, umangat ang imahe ng Supreme Court sa mata ng taumbayan.

Tuktok ng paghanga ng tao ang desisyon sa DAP --- 13-0. Sa isang isyu na hindi naman talaga naiintindihan, naging malinaw sa atin kung sino ang tama at sino ang kontrabida. Sa lahat ng ito, hindi nawala sa tao ang mahalagang papel na ginampanan ng Chief Justice. Para sa isang opisyal na inaasahang pikit matang susuporta sa anumang programa ng kanyang padrino, ikinatuwa ng madla ang independent mind na pinamalas ng Chief Justice. Kung tutuusin ay kaya niya sanang gamitin ang kapangyarihan ng kanyang posisyon para hindi naman mapahiya masyado ang gobyerno tulad ng nangyaring 13-0. At alam naman ng lahat na ganito ang ekspektasyon ng Presidente – pinatunayan nga ito ng pagkapikon ni P-Noy. Subalit sa huli ay nanaig ang kanyang pagpapahalaga sa kung ano ang tama at kung ano ang legal. Sa desisyong ito ni CJ Sereno, napatunayan na siya nga’y karapat-dapat sa puwestong kinalalagyan.

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE MA

CHIEF JUSTICE RENE CORONA

EXECUTIVE-JUDICIARY

KARANIWAN

LOURDES P

NATIONAL HEROES DAY

P-NOY

SUBALIT

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with