^

PSN Opinyon

Hello, Doki!

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

MUSTA na Doc? Sana nasa mabuting kalagayan po kayo. Sana nakatulog po kayo ng mahimbing sa mga nagdaang araw hanggang ngayon.

Subalit, ‘why oh, why’ ka naman masyado Doki. Hindi po basurahan ang ating karagatan  kahit na kayo pa po ang may-ari ng kung ano mang beach resort sa harap nito.

Ayaw lang kitang pangalanan dito ngunit alam mo na kung sino ang tinutukoy ng report ng Davao  City Health Office Sanitation Division na isang doctor na siyang nag-utos sa kanyang mga tauhan na itapon ang mga hospital waste gaya ng  bottles of dextrose, butterfly syringes, needles at vials sa Talomo Beach area.

Nakakabahala na nga dahil kalat sa baybayin ng Talomo Beach lalo na ang mga syringe at needles na animoy kabute na umuusbong sa buhangin.

Kawawa naman ang mga residente ng Talomo Beach kung maapakan nila ang mga nasabing hospital waste na maging sanhi ng contamination ng maraming mga sakit.

Sigurado ako kilala mo ang doctor na ito, di ba, Doki?

Ang hindi ko maintindihan dahil ang doctor na ito ay maraming health at maging medical ethical advocacies na tinutulak. Sikat siya. At isa nga siya sa mga tinuturing na pioneering doctors dito sa Davao City.

Doc, walk your talk. Gawin mo kung ano ang sinasabi mo sa pagarami-rami nang health and medical fora na sinalihan mo sa nagdaang higit 43 taon mong naging isang doctor.

At isa sa mga dapat mong ‘walk your talk’ ay ang hindi pagtapon ng mga hazardous hospital waste sa mga baybayin ng Talomo Beach o kahit saan mang coastal area sa buong mundo.

At kung hindi mo pa po alam Doki, heto po—sa ilalim ng  Republic Act 9275, the disposal of potentially infectious medical waste into sea water carries a maximum fine of P200,000 per day of contamination and is punishable by imprisonment.

At heto pa po---violations resulting in serious injury and loss of life due to water contamination have corresponding penalties of 12 years’ imprisonment maximum and a P500,000 fine per day of contamination.

At kung patuloy kayong nakakatulog ng mahimbing pagkatapos mong inutos ang pagtatapon ng hazardous hospital waste sa Talomo Beach, ngayon ko lang natanto na wala nga kayong konsiyensya at lahat ng iyong mga sinasabi  sa iyong mga medical and ethical advocacies ay puro hangin lang pala.

AYAW

BEACH

CITY HEALTH OFFICE SANITATION DIVISION

DAVAO CITY

DOKI

REPUBLIC ACT

SANA

TALOMO BEACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with