^

PSN Opinyon

Mabuti na ang mag-ingat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUMPIRMADONG bumagsak na nga ang nawalang Air Algerie AH 5017 sa Mali noong Huwebes. Bumagsak ang McDonnell Douglas 83 jet na pinalipad ng mga beteranong piloto 50 mInuto matapos lumipad mula Burkina Faso patungong Algiers. Hindi pa matiyak ang dahilan, pero tila may kinalaman ang sama ng panahon. Maayos naman daw ang eroplano. Ayon sa CNN, masama ang panahon sa ruta na tatahakin ng eroplano. Patay ang lahat ng nakasakay. Isang buong pamilya na may 10 miyembro ang namatay sa aksidente. May pasahero na takot daw sumakay ng eroplano, at ito ang kanyang unang beses. Napakalungkot naman. Karamihan ng mga namatay ay mga mamamayan ng France, kaya nagluluksa ang bansang iyon, tulad na rin ng Netherlands. Karamihan ng mga namatay sa Malaysian Airlines MH 17 ay taga-Netherlands. 

Masama ang taon para sa industriya ng aviation. Ilang eroplano ang bumagsak, o pinabagsak. Kaya may mga nagplanong lumipad na nagkansela na muna ng kanilang mga plano. Tila pinapalipas na muna ang malas, ika nga. Kung noon ay kampante ang lahat lumipad, ngayon may konting pangamba na. Natural lang iyon.

Pero ang paglipad ay ang pinakaligtas na pamamaraan pa rin ng paglalakbay. Mas marami pa rin ang napipinsala sa mga sasakyan at barko. Mahirap lang kasi ngayon at sunud-sunod ang aksidente sa eroplano, kaya siguradong nagbago ng bahagya ang mga statistiko ngayong taon.

Tuwing may nagaganap na aksidente sa aviation, may natutunan ang industriya para mas maging ligtas ang paglipad. Kaya wala nang lumilipad sa may Ukraine at baka ang mga ubod ng talinong mga rebelde ay magpalipad muli ng missile. Hindi dapat pinipilit lumipad sa masasamang panahon, na hinihinalang may kinalaman sa pagbagsak ng eroplano sa Taiwan at itong Air Algerie. Dito sa atin, hindi talaga pinipilit ng mga airline lumipad kapag may sama ng panahon sa bansa. Mabuti na ang magalit ang mga pasahero sa mga kanseladong lipad, kaysa sa bumagsak dahil sa sama ng panahon. Tama naman iyon. Mabuti na ang pag-iingat, kaysa magsisi. 

AIR ALGERIE

AYON

BUMAGSAK

BURKINA FASO

DITO

EROPLANO

KARAMIHAN

KAYA

MALAYSIAN AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with