^

PSN Opinyon

Diesel naging tubig sa BOC Port of Clark

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGIC, MAGIC, MAGIC? Hindi, hindi, hindi!

Ito ngayon ang pinagtatalunan at usap-usapan ng madlang Kamote dyan sa Bureau of Customs Pork of Clark matapos palitan ng tubig ang mga huling diesel todits habang naka-imbak sa loob ng mga drum.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ‘inside job’ ang nangyaring nakawan sa loob ng Bureau of Customs security facility sa Port of Clark dahil napalitan ng litson manok este mali tubig pala ang huling drums of diesel todits.

Ika nga, well-entrenched at well-networked syndicate sa bureau ang bumanat dito!

Sabi nga, mga kamote ang tumira. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 135 drums of diesel equivalent to more than 28,000 liters ang naging tubig paano ito nadale kung walang sabwatan sa pagitan ng mga magikero at mga bugok sa customs?

Ika nga, imposible ito!

‘Kailangan magkaroon ng kalkalan sa nasabing usapin dahil kung walang mangyayari dito laking kahihiyan sa madlang people of the Philippines my Philippines ang pamunuan ni BOC Commissioner John Sevilla!’ sabi ng kuwagong umatake.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may isang kongresista ang nagmumuni-muni para maghain ng kanin este mali resolution pala at magkaroon ng congressional probe regaring sa diesel pilferage sa Port of Clark.

‘Paano nagkaroon ng nakawan dito sa storage facility ng Port of Clark 28,000 liters ng diesel at palitan mo ng tubig malaking trabaho ito at imposibleng hindi ito mabuko?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Kung ang mga diesel napapalitan nila ng tubig paano pa iyong mga ibang kontrabando na madaling ibulsa este mali nakawin pala tulad ng celphone.  Imposibleng hindi nila rin ito tirahin? sabi ng kuwagong urot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pangalawang beses na nagkaroon ng nakawan sa Clark noon Abril may 65 sa 165 drums ng diesel ang pinalitan ng tubig kaya napilitan ang mga opisyal dito na ilipat sa privately-owned Customs Clerance area ang mga epektos para mamanmanan nila ng todo pero after 2 months 50 more barrels of diesel ang naging tubig ulit.

‘Paano ngayon ito?’ tanong ng kuwagong salawahan.

Abangan.

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF CUSTOMS PORK OF CLARK

COMMISSIONER JOHN SEVILLA

CUSTOMS CLERANCE

DIESEL

PORT OF CLARK

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with